CHAPTER EIGHT

4.6K 97 1
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Sakay!" Utos ni Jack.

Agad akong pinasakay ni Jack sa loob ng kotse nya at padabog na isinara yun. Pinaandar nya na yun at walang pakundangan na nag-drive ng mabilis.

"Dahan-dahan lang! Wag mo kong idamay kung balak mo nang magpakamatay!" Saad ko.

Hindi na nagsalita pa si Jack at nagpatuloy lang sa pagpapaandar ng kotse nang napakatulin. Rinig na rinig ko yung paghikbi nya habang nagmamaneho.

Ilang sandali pa, huminto yung sasakyan nya sa isang tabi at doon, ibinuhos ang lahat ng mga luha nya. Umiyak sya ng umiyak nang walang tigil at tuloy-tuloy. Mula sa backseat, lumipat ako sa frontseat kung saan sa tabi nya at doon sya ki-nomfort.

Sa mga oras na walang lakas ang isang tao, kailangan nila ng isang taong magko-comfort at makikinig sa mga problema nila.

Hinagod ko yung likod ni Jack habang humihikbi sya. Humahagulhol na rin sya kinalaunan at niyakap ako nang mahigpit.

Sa mga balikat ko, doon sya umiyak nang umiyak at sa mga balikat ko rin tumulo yung uhog at luha nya. Bahagya pa kong natawa sa pagsinghot nya dahil sa namuong sipon.

"Ayos lang yan, lalaki lang yan! Sabi nga nila di ba? Past is past! Isipin mo nalang, past na yang si Xias." Pagpapakalma ko sa kanya.

Para kaming mag-beshfriends sa porma namin habang magkayakap. Halata talaga na bakla tong si Jack, makayakap kasi akala mo mamamatay sya kapag nawala yung boyfriend―ex boyfriend nya sa kanya.

𝘗𝘦𝘳𝘰 𝘸𝘢𝘭𝘢 𝘴𝘢 𝘪𝘵𝘴𝘶𝘳𝘢 𝘯𝘺𝘢...

Hinahagod ko pa rin yung likod ni Jack habang magkayakap kami. Humihikbi pa rin sya saka panay ang pagsinghot.

"Natatakot ako, Anne.." humihikbing ani nya.

Nangunot noo ako.

"Bakit? Saan ka natatakot?" tanong ko.

"Natatakot ako na baka hindi ko kayanin kapag nawala si Xias sa buhay ko. Natatakot ako, Anne kasi si Xias yung dahilan kung bakit buhay pa ko hanggang ngayon. N-natatakot ako kasi hindi ko naman talaga gustong hiwalayan si Xias. Pero kasi, ayokong magbulag-bulagan sa mga nakikita ko. May babae sya, may babae sya! Ito palang yung unang beses na nakita ko nang harap-harapan na nakikipag-sex sya sa iba at sa babae pa talaga! Sa totoo lang, nakakainsulto yun sa pagkatao ko!" Kumalas sya sa pagkakayakap sa'kin at yumuko sa manibela.

Hinaplos ko yung balikat nya at pilit syang pinapakalma.

"Bakit hindi mo nilabas kanina nung magkaharap kayo? Bakit hindi mo sinabi kanina yung nararamdaman mo? May oras ka na para sabihin yan, pero bakit hindi mo ginawa? Sobrang kakaunti lang ng mga sinabi mo, sana kinalbo mo na yung Francesca na yun,"

Huminga muna sya nang malalim bago magsalita. Nananatili pa rin syang nakayuko sa manibela.

"Pakiramdam ko kasi ang baba ng pagkatao ko. Babae yun, Anne. Lahat ng mga naipon kong sama ng loob na gustong-gusto ko nang ilabas, nanatili nalang sa isipan ko. Hindi ko alam kung bakit hindi ako nakapagsalita nung nakita ko yung babaeng yun, pero nakaramdam ako ng inggit nung makita ko sya. Kaya na-gets ko kaagad kung bakit naging babae yun ni Xias,"

"Hindi mababa yung pagkatao mo no, lalaki ka kasi kaya natural lang na mainggit ka sa meron sa'ming mga babae. Alam kong insecure ka sa sarili mo pero dapat nga magpasalamat ka pa kasi lalaki ka e. Alam mo ba na mas mahirap maging babae kesa maging lalaki? Kasi kayong mga lalaki, kahit magpasarap kayo nang magpasarap, hindi kayo masasaktan. E kaming mga babae, pagkatapos magpasarap, siyam na buwang nagbubuntis. O, san ka? Sa nagpapasarap o sa nabubuntis?" tanong ko.

"Pero atleast kayong mga babae, kaya nyong magbigay ng anak. Paano naman kaming mga bakla? Kaya lang naming magpasaya, pero hindi namin kayang magbuntis." Sagot nya.

"Pino-problema mo pa pala yun?" natatawang tanong ko.

Medjo natawa na rin si Jack kaya mahina nya kong sinabunutan.

"Ewan ko sayo!" Medjo natatawa ngunit may halong lungkot sa boses nya.

"Kalma ka nalang jan, madami pa namang iba. Sure na sure akong babalik at babalik si Xias sayo."

"Weh? Totoo ba yan? Baka ine-echos mo lang ako?" tanong nya.

"Oo totoo nga! Proven and tested! Hintayin mo lang." Sagot ko.

Humarap na sa'kin si Jack at nakita kong may sumilay nang ngiti mula sa mga labi nya. Kaya napangiti rin ako at nahawa sa kanya. Hinawakan ko yung kamay nya nang mahigpit habang nakatitig sa mga mata nya.

"Ako nalang kasi," mahinang bulong ko na akala ko hindi nya narinig pero narinig pa rin pala nya.

Hinawakan din nya yung kamay ko nang mahigpit.

"Gusto mo bang tayo nalang?" tanong nya.

Biglang nagsaya yung mga organs ko sa loob ng katawan ko at pakiramdam ko, blessing tong gabing to.

"T-talaga? P-payag ka jan sa sinasabi mo?" nauutal na tanong ko.

"Bakit hindi?" nakangiting ani Jack.

Mas lumawak at lumapad yung pagngiti ko dahil sa pagtitig nya sa'kin nang matagal. Unti-unting sumeryoso ang mukha nya na ikinakaba ko at ikinagulat.

Unti-unti rin nyang nilapit sa'kin yung mukha nya habang nakatingin sa mga labi ko kaya expected ko nang may mangyayari sa'ming dalawa ngayong gabi.

Akmang magdidikit na sana yung mga labi namin at nakanguso na ko't nakapikit, nang bigla nya kong tapikin sa noo at sabunutan dahil sa ginawa ko. Agad akong napadilat at nakita kong tatawa-tawa sya habang nakasandal sa upuan nya.

Sinuntok ko sya sa braso nya kaya ininda nya yun.

"G4go ka talaga!" Mura ko.

"Nag e-expect ka ba na may mangyayari sa'tin ngayon? Haha! Wala girl! Uto-uto ka talaga," natatawang saad ni Jack.

"Bwiset ka!" Inis na ani ko sabay irap sa kanya.

Akala ko makakaisa ulit ako dito, hindi pa pala.

Tatawa-tawa nalang si Jack sa nangyari sa'min pero hindi pa rin nawawala sa mga mata nya ang lungkot at sakit.

__

Nagising ako sa tama nang sikat ng araw sa mukha ko, nang idilat ko yung mga mata ko, umaga na pala at tirik na tirik pa yung araw. Akmang gagalaw na sana ako nang maramdaman ko nalang yung katawan ko na nakayakap kay Jack.

Bahagya pang nanlaki yung mga mata ko at bigla ay tinapunan ako nang hiya at kaba. Bigla kong inalis yung kamay ko sa pagkakayakap sa kanya kaya nagising na rin sya.

Kumusot muna sya sa mga mata bago magsalita.

"O, gising ka na pala? Good morning..." ani nya.

"Good morning din," bati ko pabalik.

Tumingin sya sa cellphone nya kaya sumilip ako dun. Nakita kong ang daming missed calls at message galing kay Xias kaya natawa ako nang mahina.

𝘚𝘢𝘣𝘪 𝘬𝘰 𝘯𝘢 𝘣𝘢...

"Haha! Yan na yung simula," saad ko.

"Sira! Sige na, umuwi ka na. Salamat pala sa pagdamay mo sa'kin kagabi. Tatawagan nalang kita mamaya, see you later.." ani nya at inutusan nya kong bumaba sa sasakyan nya.

Hindi pa nga ko nakakababa ng sasakyan, see you later agad.

"G4ga! Wala akong dalang pera dito! Ihatid mo nalang ako, tuturo ko nalang sayo saan bahay ko."

Umirap nalang sa'kin si Jack at nagsimula na syang mag-drive. Pero bago kami makalayo, dumiretso muna kami sa isang fastfood chain at nag-order ng almusal.

Mahirap nang mag-drive ngayon nang gutom. Baka maaksidente pa kami nang wala sa oras.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now