CHAPTER 32

1.9K 52 0
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

"Jack," banggit ko sa pangalan ni Jack na abala ngayon sa pagtipa sa cellphone nya.

𝘈𝘵 𝘮𝘶𝘬𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘬𝘢𝘯𝘨𝘪𝘵𝘪 𝘱𝘢 𝘩𝘢𝘣𝘢𝘯𝘨 𝘯𝘢𝘨𝘵𝘢-𝘵𝘺𝘱𝘦...

"O?"

"Jack!" Patuloy pa rin ako sa pagtawag sa pangalan nya na tumitipa pa rin hanggang ngayon.

"O?"

"Jack, ano ba? Ba't hindi mo ko nililingon?" medjo galit na tanong ko sa kanya.

Agad nyang nabitawan yung cellphone nya at nalaglag yun sa lapag. Ngumiti sya sa'kin at nag-peace sign.

"S-sorry, Anne," nakangiting ani'ya at inabot yung cellphone nyang nalaglag.

Kinunutan ko sya nang noo at inirapan.

"Ano ba kasing ginagawa mo? Ba't tipa ka nang tipa sa cellphone mo at mukang a-ba-la ka pa?" tanong ko.

Napakamot sya sa ulo nya bago nya sagutin yung tanong ko.

"Medjo natawa lang ako sa napanood ko. S-sorry talaga, Anne,"

"Napanood? Ba't tumitipa ka? Ano live ba yang pinapanood mo? Yung mga babaeng may mas malalaking cocomelon kesa sa'kin? Yung mga babaeng nagla-live tapos panay yung kaldag habang naglalaro ng online games? Yun ba yun? Pinapanood mo sila tapos nagco-comment ka kasi gusto mong magpapansin? Edi go! Makipaglampvngan ka sa kanila kung gusto mo! May pangiti-ngiti ka pang nalalaman, akala mo naman hindi kita nakikita. Hello! Nasa harapan mo lang po ako," muli ko na naman syang inirapan dahil naiinis ako sa kanya.

Napakamot ulit sa ulo at batok nya si Jack dahil sa mga sinabi ko. Nakangiwi nya kong nilapitan at mahigpit na humawak sa mga kamay ko.

"Overreacting ka naman, Anne. Nanood lang naman talaga ako saka don't worry kahit may mga babaeng mas malaki yung svso kesa sayo, mas bet ko pa rin yung sayo. Yung kanila hindi ko naman natitikman e yung sayo, araw-araw―" tinapik ko yung bibig ni Jack bago pa nya ituloy yung gusto nyang sabihin.

Inagaw ko yung mga kamay ko sa kanya at tinalikuran sya.

"'Kala mo natatawa ako sa mga pinagsasabi mo? Pwes, hindi! Hindi sa lahat ng oras, nakakatawa yung mga pinagsasabi mo, o joke!" Humarap ako sa kanya at humawak sa noo ko.

"S-sorry, Anne,"

"'Di yun, Jack. Alam mo, palaging cellphone mo yung hawak mo. Sa tuwing tatawagin kita, puro ka 𝘖? 𝘉𝘢𝘬𝘪𝘵? 𝘉𝘢'𝘵? 𝘈𝘯𝘰 𝘺𝘶𝘯, 𝘈𝘯𝘯𝘦? 𝘚𝘪𝘨𝘦. 𝘖𝘰! Nakakairita ka naman o! Pwede bang tigilan mo muna yang kakapindot mo sa cellphone?" sa pagkakataong ito, galit na ko.

Nanghina yung mga tuhod ko nang makitang tumitipa na naman sa cellphone nya si Jack―at nakangiti na naman. Napailing na naman ako dahil sa nakikita ko at hindi ko na napigilang mapaiyak.

"Ano ba, Jack?" galit na sambit ko sa pangalan nya kasabay nun ang paghampas ko nang malakas sa lamesa.

Nakita kong nagulat si Jack dahil sa ginawa ko at mabilis nyang inilapag sa lamesa yung cellphone nya.

Nararamdaman kong nagkaroon na nang kaba at takot sa pagkatao nya si Jack―at dahil yun sa ginawa ko.

Huminga ako nang malalim at tumayo mula sa pagkakaupo ko sa sofa. Naglakad na rin ako paalis sa harapan ni Jack na punong-puno nang sama ng loob sa kanya.

"Bwiset ka," bulong ko.

Agad nyang hinawakan yung kaliwang kamay ko at mahigpit na hinawakan yun. Bumusangot din sya at matamis na ngumiti.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now