CHAPTER SEVENTEEN

3.2K 72 1
                                    

[ANNE'S POINT OF VIEW]

~~~

“Ughhh! Ang sakit ng katawan ko,” inda ni Jack habang nakahiga sya.

Hindi ko alam kung bakit bigla syang nagkasakit pagkatapos nilang mag-sex ni Xias. Hindi ko rin alam kung anong nangyari at bakit nagkasakit agad sya.

“Jack,” sambit ko sa pangalan nya.

Kasalukuyan kasing bumibili ng gamot si Xias sa isang tindahan para mapabilis yung paggaling ni Jack. Naubusan na kasi ng stock sa bahay nya dahil yung iba dun ay ginamit ko.

Nilapitan ko si Jack at hinipo sa noo nya. Napapikit ako nang mariin nang maramdaman kong sobrang init ng noo nya, maging nang katawan nya, naramdaman kong sobrang init din dahil sa sakit nya.

Nagtungo ako sa kusina para kumuha ng isang malinis na basang bimpo at tabo para ipangpunas sa kanya.

Matapos kong makuha yung kailangan ko para mapababa yung init ng katawan nya, mabilis akong lumapit sa kanya at kahit alam kong diring-diri sya sa ginagawa ko, hinubad ko pa rin yung suot nya.

“A-Anne, i-ibalik mo yung damit ko. H-hintayin mo nalang s-si Xias,” nanghihinang utos ni Jack.

Inirapan ko sya at sinimulang punasan sa mga braso nya.

“Kasi naman, kung ano-anong mga pinaggagagawa tapos kapag hindi kinaya, sakit! Kung ano-ano kasing mga pinaggagagawa mo kaya ka nagkakasakit. Alalahanin mong mahirap magkasakit ngayon! Ang yaman mo pero ang arte ng buhay mo! Pwede ka namang magpadala sa ospital pero hala, sige! Inuna ang kalandian para maalagaan ni Xias. Pasalamat ka nalang talaga na nandito ako at inaalagaan ka!” Panenermon ko kay Jack habang pinupunasan ko sya.

May pagiling-giling pa si Jack habang pinupunasan ko, siguro nakikiliti sa ginagawa ko.

“Ano ba, Anne? Nakikiliti ako!”

“Ano ba? Ang likot-likot mo! Pinupunasan ka na nga, umaarte pa!”

“Nakikiliti kaya ako! Ikaw kayang punasan ko nang ganyan?” inis na tanong nya.

“Hindi ako magkakasakit no! At saka bihira lang akong tamaan ng sakit,” pagmamayabang ko.

“Tingnan lang natin yang yabang mo. Pag nagkasakit ka, walang mag-aalaga sayo!” Saad nya.

Biglang nag-iba ang ekspresyon ng mukha ko dahil sa sinabi nya. Napatigil rin ako sa ginagawa kong pagpunas sa katawan nya dahil sa sinabi nya.

Ilang segundo lang naman akong natulala at nawala sa ulirat ko.

“Anne?” banggit nya sa pangalan ko.

“B-bakit?” tanong ko at pinagpatuloy ko na yung pagpupunas ko sa kanya.

“Bakit parang natahimik ka yata?” tanong nya.

“A-ahh, w-wala lang,” nauutal na sagot ko.

“May nasabi ba kong mali?” tanong nya ulit.

𝘖𝘰?

𝘔𝘦𝘥𝘫𝘰?

𝘞𝘢𝘭𝘢?

“W-wala naman,” sagot ko.

“Ahh, akala ko,”

Pinagpatuloy ko nalang yung pagpupunas ko sa katawan nya. Bahagya pang dumaplis yung kamay ko sa tiyan nya dahil sa pagpupunas.

Hindi ko naman binibigyan nang malisya yung ginagawa kong pagpupunas sa katawan nya.

One night stand | ✔︎Where stories live. Discover now