Special Chapter (SPG)

28.9K 748 142
                                    

Warning: R18+
This chapter may have explicit content that are not suitable for young readers. Read at your own risk.

[A/N: Again, thank you for the continuous support for my stories. I changed my mind, I wrote one special chapter for my readers. Malakas kayo sa'kin e.]

Sky's POV

Now that Carol and I are engaged, I need to tell the whole world about it. Una kong sasabihin kay mommy, syempre, ipapakilala ko na rin sa kanya si Thea. Hindi naman ako natatakot na hindi s'ya matuwa sa balita, sana lang huwag s'ya mag-hysterical.

"Baby, someone's calling you!" Sigaw ko kay Carol habang nagpe-prepare ng breakfast naming dalawa. Wala rito si Thea sa condo ko, nasa lola niya.

Until now, medyo alanganin parin ako sa nanay ni Carol. Wala na rin s'yang nagawa nung tinakas ko s'ya e kaya hinayaan nalang kami. Pero 'di ako magsasawa na hintayin yung time na matanggap n'ya kami ni Carol. Dadating din yung time na 'yan.

"Answer it muna," sabi ng fiancee ko. Padaan-daan ito sa gilid ko, nakabra lang at short shorts. Gano'n na s'ya kakumportable sa'kin.

Kinuha ko ang cellphone ni Carol na nasa mesa at sinagot ang tawag.

"Carol," boses lalaki, tiningnan ko ang caller ID, si Matthew pala.

"Oh, pre?" bungad ko sa kanya.

"Sky?"

"Yup, it's me," I said.

"Vera is your friend, right?" tanong n'ya.

Tangina, naalala ko nanaman yung sinabi si Vera sa simbahan no'n. S'ya lang nag-isip no'n e, wala naman sa script 'yon, basta ang plano lang kukunin n'ya atensyon nila para maitakas si Carol.

"Yeah, why?" anas ko.

"Can I ask a favor? I want to talk to her but she keeps on ignoring me." Sabi nito sa malungkot na tono. Napangiti ako. Nangangamoy pag-ibig ah. Mabuti naman para maituon na sa iba atensyon ni Matthew, mabait naman s'ya e kaso akin lang talaga si Carol at wala s'yang magagawa ro'n.

"Akong bahala," I assured him. Pinag-usapan namin kung ano ang magiging plano para makausap n'ya si Vera.

"Sino yung tumawag?" Ang fiancee ko na kararating lang sa kusina. Bago pa n'ya mahila ang silya ay ginawa ko na para sa kanya.

"Ex mo, gusto makipagbalikan." Sabi ko, kunyari ay galit ako.

"Sino sa kanila?" mataray na tanong n'ya.

"Aba, may contact ka pa sa mga ex mo?" balik ko sa kanya. Nagsimula na s'yang kumain, parang hangin lang yung tanong ko sa kanya. "Tinatanong kita, aba."

"Galit ka?" She looked at me while arching her brow.

"Nagtatanong lang po, babe." I answered in a soft tone.

"Kumain ka na nga lang," pagsusungit parin n'ya. Napatakip ako ng bibig. "What?" tukoy n'ya sa reaksyon ko.

"Buntis ka?!" Pasigaw na tanong ko. Ngayon ko lang naisip na baka kaya s'ya ganyan ay dahil buntis s'ya.

"May implant ako, tanga." She said coldly. Napakamot ako sa batok ko. Oo nga pala, may implant s'ya. Pero kung wala 'yon baka nasundan na namin si Thea.

"E bakit ka nagsusungit?" tanong ko nanaman. Hindi ako makapagsimulang kumain dahil sinusungitan n'ya 'ko.

"I saw your facebook account last night." she plainly replied.

"Babe, 'di ba I told you to ignore them.." I said softly.

"I hate it! They are so annoying.. It's your fault, kung sinu-sino kasi kinakama mo." Paninisi pa niya sa'kin. Ang alam ko, sa lahat ng naging one night stand ko aware naman sila na hanggang doon lang.

𝐒𝐞𝐫𝐞𝐧𝐝𝐢𝐩𝐢𝐭𝐲 [TSS #1]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon