SILENT SCREAM

762 66 7
                                    


Previous book:
MURDER CASE #201
Ainslynn Quezon, a high school teacher with remarkable hearing ability, becomes aware of a crime three hours before it occurs. However, by tracing the victim's voice in Murder Case #201, she inadvertently places herself in danger.

***

PROLOGUE

AINSLYNN QUEZON'S
DIARY ENTRY #210


Tak. Tak. Tak.

Papalapit nang papalapit ang tunog na iyon. Hindi ako puwedeng magkamali. Isang battle axe ang dala nito at nagngingitngit ang tunog niyon sa sahig.

Sa kabilang banda ay pamilyar na sa akin ang bigat ng kalooban ng babae. Naranasan ko na ang sitwasyon niya. Sitwasyong nilunok ko ang lahat ng takot na aking nararamdaman at hinigit ang lahat ng natitirang lakas ng loob para mabuhay pa.

Ramdam ko ang kaniyang pagpigil-hininga habang nakakubli sa kung saan. Hindi siya gano'n katakot ngunit wala siyang ibang pagpipilian kundi ang manatili sa kaniyang kinaroroonan. Base sa echo na aking naririnig ay nasa lugar siya kung saan may makipot na espasyo.

Kabinet? Hindi ako gano'n kasigurado.

"Sa tingin mo ba ay makakatakas ka pa ngayon?" sabi ng boses lalaki. Malalim ngunit tila ba paos ito. Ito na yata ang pinaka-weirdo na boses na aking narinig. "Hindi ka talaga marunong tumanaw ng utang na loob."

Naging malinaw din sa aking pandinig ang pagtagis ng mga ipin ng babae dahil sa galit. Alam kong anumang oras ay bibigay siya sa panghahamon  ng lalaki. Hindi dapat ito magpadalos-dalos. Hindi makakatulong sa kaniya kung pananaigin niya ang galit kaysa sa kaniyang kaligtasan.

Kung sino ka man, puwede bang huwag kang gumawa ng kahit na ano para mas ikapahamak mo? Puwede bang mag-isip ka ng magandang paraan para makatakas ka? At puwede bang huwag na huwag mo akong bibigyan ng hint patungkol sa pagkatao mo? Ayaw kong mangialam sa away ninyo. Hindi ko na uulutin pa ang pagkakamaling nagawa ko noon.

"Ang mga magulang mo..." Humalakhak ang lalaki sa nangungutyang paraan. "Ang tanga-tanga nila. Kung bakit kasi ay hindi na lang kayo sumama ng kapatid mo sa kanila? Eh, sana ay hindi naging psychopath ang kapatid mo at hindi ka nandito sa lugar na ito..."

"Years have passed, and you're still a piece of trash, aren't you?" may diing sagot ng babae at tuluyang lumabas sa kaniyang pinagtataguan.

Dahil sa ingay sa background ay hindi ko masyadong napokusan ang boses nito. Hindi rin isang abandonadong lugar ang kinaroroonan nila dahil may naririnig akong ingay ng sasakyan. 

Now I know they are facing each other. One on one. Eye to eye. One armed and one unarmed. It's as if the winner has already been decided.

"Are you ready to say hi to your family in hell?" tanong ng lalaki at mabilis na inatake ang babae.

Isa, dalawa, tatlo...

Tatlong minuto silang nagtuos. The woman is quite good in physical combat. Mabilis ang bawat galaw nito ngunit tila naghahabol ito ng hininga.

Mayroon ba siyang panic attack? Shit! This is not a good idea.

Sa huli ay napaluhod ito ng lalaki. Walang sabing hiniwa ng lalaki ang braso ng babae gamit ang kaniyang palakol.

Again and again, I could hear the red liquid coming out from someone's flesh to the floor. It was like heaven or hell had been opened for that wounded soul. Death was also watching, waiting to pick up one of those two.

"Bite your tongue, don't scream or else I'll make you stop breathing. Right here, right now," nakangising sabi ng lalaki at narinig ko ang pagkapunit ng damit ng babae sa likurang bahagi nito.

"Wala ka pa ring pinagbago, isa ka pa ring demonyo!"

I stood up when I recognized the woman's voice. I couldn't be wrong. As if a drum of lava had spilled over me. I seemed to liquefy because of the fear I felt. The pounding of my chest drained me.

"Detective Lesia!" malakas kong naiusal.

Si Lesia ba ang magiging biktima ng Murder Case #210?

Napalunok ako habang hindi malaman kung ano ang gagawin, kung ano ang pipiliin.

I want to save her, but I would rather not commit the same mistake again. Not. Ever.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon