CHAPTER 6- CAMOUFLAGE

667 58 4
                                        

CHAPTER 6- CAMOUFLAGE

"Hindi ka talaga magsasalita? Ano pa at sinabi mong magkita tayo?" asik ni Gray sa akin.

Siguro ay nasa tatlong minuto na rin ang nakalipas simula nang magkaharap kami. Hindi ko pa rin mahila ang dila ko para magsalita.

Hindi naman sa natataranta ako sa presensiya nito kundi hindi ko lang talaga alam kung paano simulang manghingi ng tulong sa lalaking ito.

"You killed my baby! Tao ka pa ba?"

"It was your unreachable pride who killed the child. Don't throw the blame on me. You're less than a human, either!"

Napakuyom ako at humigit ng malalim na hininga. Wala ng oras para isipin ko pa ang nakaraang mayroon kami.

"Mayroon akong taong dapat na makausap mamaya. Pupunta ito sa party ni Gisette Olivares."

"Oh... and?" inosenteng usisa nito sabay simsim ng kape.

Napasinghap naman ako. "Kailangan ko ng invitation card para makapasok, hindi ba?"

"Well, yes. That's the number one requirement so you can enter peacefully. Hindi basta-bastang tao si Gisette Olivares kaya mahigpit ang seguridad sa gaganaping party. Kung may kikitain kang tao roon, ibig sabihin ay may kaugnayan iyon sa kasong hinahawakan ninyo? No. Hindi ka puwedeng pumunta at gumawa ng gulo roon."

"Sinong may sabi sa 'yong gagawa ako ng gulo roon, ha? Detective ako, Atty. Gray," asik ko sabay kunot ng aking noo.

Ang advance lang din talaga nito mag-isip. Nasa climax pa lang ako, siya ay nasa epilogue na. Tsk!

Hindi ka pa rin nagbabago, Gray Hermes. Wala ka pa ring kwentang kausap.

"Eh, puwede mo namang kitain ang taong iyon sa labas, 'di ba? Bakit kailangan ay sa party pa?"

"Hindi ko siya makikita sa ibang lugar. Sa party lang talaga..."

"Si Monica Garrett ba ang sadya mo? Alam kong detective ka at ginagawa mo lang din ang alam mong tama pero may panahon para ipaglaban o isuko ang kasong hinahawakan mo. Wala kang mapapala kay Monica dahil ako mismo ay makakapagsabing inosente ang babaeng iyon."

Sinamaan ko naman ito ng tingin. Mukhang wala akong mapapala sa lalaking ito. Nagsasayang lang ako ng oras.

"Tutulungan mo ba ako o hindi?" pangungumpirma ko pa.

"Hindi," matatag niya ring sabi.

Napabuga naman ako ng hangin sabay tayo. Namulsa ako at tinitigan ito direkta sa mga mata.

"Thank you, and I'm sorry for disturbing you."

Pilit na ngiti ang ibinigay ko rito at tuluyan ng lumabas ng coffee shop. Padarag na sumampa ako sa aking motor at isinuot ang helmet. Masama ang tingin na itinapon ko sa lalaking papalabas na rin ng shop.

Bago pa ako nito mapansin ay pinaharurot ko na ang aking sasakyan papuntang SH station. Laylay din ang aking mga balikat na pumasok ng department.

Naabutan ko si Lovynn at Detective Veins na nakikipagdiskusyon kina Marie at Kenneth. Hinayaan ko na lang sila at naupo sa isang sulok.

Kailangan ko lang naman ay makapasok sa entrance. Kapag nagawa ko iyon ay wala ng problema pa.

"Baka mabutas na ang pader dahil sa talim ng titig mo diyan. Why? Something's wrong?" tanong sa akin ni Lovynn sabay lapag ng coffee cup.

"Ilayo mo muna ako sa kape ngayon. May kailangan akong asikasohin."

"May maitutulong ba ako?"

"Wala," tipid kong saad. "Mayroon pala. Mamayang gabi ay may party akong pupuntahan. Hindi ako imbitado kaya mahihirapan akong makapasok."

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon