CHAPTER 10- ALIBI

265 43 1
                                    

CHAPTER 10- ALIBI

Hindi na ako nag-abala pang magpalit ng damit. Pumunta ako ng SH station na suot pa rin ang oversized shirt at jersey shorts ni Gray. Ang buhok ko ay basta ko na lang itinali. Huli na rin ng aking mapansin na nakapangbahay na tsinelas pa pala ako.

Padarag kong binuksan ang pinto ng H-Department. Nagulat ko pa ang lahat ng nandidito. Ang reaksyon nila ay para bang nakakita ng multo sa katauhan ko.

"Oh. My. God!" tili pa ni Lovynnia habang inisa-isa ang letra ng mga salitang binitiwan nito. Tumakbo ito papalapit sa akin at pinaikot-ikot ako habang sinusuri ang aking katawan.

"I'm fine," asik ko at hinawi ito. Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita ko pa itong bumusangot bago sumunod sa akin.

Dumiretso ako sa puwesto ni Marie. "Hoy, Detective Lesia. Anong nangyari sa 'yo? Bakit ngayon ka lang nagpakita? Hindi mo man lang ba naisip na baka mag-alala kami sa 'yo, ha?!" sabi pa ng babae pero hindi ko na ito pinagtuonan ng pansin.

"Hoy, Lesia!" malakas na sigaw ni Ace.

Pakiramdam ko ay bumalik sa aking katawan ang aking diwang nagpapalutang-lutang sa ere dahil sa lakas niyon.

"What?" maang tanong ko. Pinasadahan pa ako nito ng tingin mula ulo hanggang paa.

"What? Limang araw ka lang namang nawala tapos ganiyan pa ang attire mo na papasok dito sa SH station? Where's your manner, Detective Lesia!"

Sa tono ng pananalita nito ay hindi ko puwedeng gawing biro ang mga salitang binitiwan nito. After all, he's the captain here in our department.

"I'm sorry, Detective Ace," pormal kong sabi.

"Where have you been?" seryosong tanong nito. "Umalis ka ng hindi namin alam ang dahilan. Nawala ka ng ilang araw at ngayon ay sisipot ka na para bang bahay mo ang station na ito."

Napatingin ako kay Lovynnia. Pasimple itong umiling. Ibig sabihin ay nananatiling sekreto ang naging lakad namin sa LC Hotel. Hindi rin sinabi ni Lynn kay Ace kung saan at bakit ako nawala.

Bakit?

"Nagbakasyon lang naman siguro si Lesia."

"Bakasyon ng walang pasabi? Nawala na parang bula at sumulpot na parang kabute? Ang katulad niyang workaholic ay magbabakasyon nang biglaan? Bakit?"

Bakit? Iyon din ang tanong na nangingibabaw sa kukuti ko ngayon, Ace. Bakit at paano? Damn it! This is so disappointing!

"Lovynnia," untag ko sa babae.

"Yes?"

"May kailangan akong alamin tungkol sa pinuntahan natin noong gabi. Tulungan mo ako," seryoso kong sabi.

"Pinuntahan? Lovynnia, wala kang binanggit na kasama mo pala si..."

"Tara sa S-Department. Doon tayo, mag-usap," pamumutol nito sa kay Ace.

Agad naman akong lumapit sa babae. "Tara."

"Hoy! Kinakausap ko pa kayo..."

Tuluyan na kaming lumabas ng H-Department bago pa kami masermonan ni Ace. Bago pa kami nakapasok ng SD ay tinawag na ako ni Detective Veins. Kasama pa nito ang dalawang kanang kamay na sina Niel at Angelu.

"Detective Lesia," muling sambit nito sa pangalan ko.

"Kaya ayaw ko sa lalaking ito. Ipinaglihi yata ito sa habagat at amihan, eh. Masyadong mahangin," asik ni Lovynn.

"Wala akong oras makipagbiruan sa 'yo, Veins. Spill."

Ngumisi ito sabay palatak. "Huwag kang mag-alala. Tutulungan ka naman ng kaibigan mo, eh. Uunahan ko na rin kayo na ginagawa ko lang ang trabaho ko bilang detective. Trabaho lang walang personalan."

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon