CHAPTER 4- MISSING PIECE

326 46 1
                                    

CHAPTER 4- MISSING PIECE

"May criminal record si Girra Piamonte at rumor na mistress ito ni Liam Ong. Kahit na nag-submit ito ng exact conversation nila ni Monica ay mawawalang bisa iyon dahil sa background nito. Alam naman natin ang kalakaran ngayon," bigay alam ni Lovynn.

"Wala rin kaming makuhang ebidensiya na bumili nga si Monica Garrett ng kahit anong klase ng powder poison. Kumpirma rin nina Winter at Denise na kasama nga nila ang babae ng gabing iyon," deklara rin ni Marie.

Napabuga naman ako ng hangin. Hindi ko na alam kung ang kaso nga bang ito ang may mali o ang konklusyon namin na pilit naming pinapatunayang tama.

"Sinasabi ninyong dead end na naman ang lead natin? Let her go, then," sukong sabi ko.

"What?!" asik naman ni Lovynn.

"Masyadong malabo ang kasong ito. Puwede niyong ituloy. Bibigyan ko kayo ng permisyon bilang assigned detective."

"May ibang rason ka ba para magpull-out sa kasong ito?"

Napabuntonghininga na naman ako. Sinalubong ko ang tingin nito. "May taong kailangan kong mahanap sa lalong madaling panahon."

Mula sa gilid ng aking mga mata ay nakita kong pumasok si Detective Ace.

"Sino?"

"Ang babaeng pumatay sa kapatid ko," direktang sagot ko naman.

Nanlaki naman ang mga mata ni Detective Marie sabay tingin sa kay Detective Ace.

"Self-defense lang ang nangyari at napatunayan na namin iyon ni Detective Veins," depensa naman ng isa.

"Since nandito ka rin naman na ay tulungan mo na lang si Detective Lovynn," nag-uutos ang tonong saad ko kay Ace. Agad namang tumango ito.

"Okay, I'm in. Hindi naman busy ngayon ang Homicide Department."

"Si Attorney Gray ba ang dahilan?" halos pabulong na tanong ni Lovynn.

Tinaasan ko lang ito ng kilay dahilan para matawa ito.

Tama si Lynn. Dapat kong isuko ang kasong ito. Hindi basta-bastang pamilya ang kinabibilangan ni Monica at Liam. Bukod sa mahihirapan talaga kaming mangalap ng ebidensiya dahil paniguradong naglilinis na rin ng kani-kanilang kalat ang kasangkot sa pagkamatay ng lalaki ay maiipit pa ang aming station sa pagitan ng dalawang makapangyarihang pamilya.

Isa pa ay may mga krimeng kailangang bigyan ng hustisya kahit pa buhay ang kapalit nito at mayroon din namang hindi worth it ng isang sakripisyo. Hindi deserve na alayan ng buhay.

Kung hindi ako pinagbantaan ni Lynn ay panigurado ring ipipilit kong resolbahin ang kasong ito dahil trabaho naming mga detective ang magbigay hustisya sa biktima. Ngunit ngayon ay masyadong magulo ang sitwasyon ko. Makasarili na kung makasarili.

Isang buwan lang din naman, eh. Matapos ang isang buwan at buhay pa ako ay saka na ako muling makikisawsaw sa isyung ito. Kailangan ko munang protektahan ang aking sarili. Kailangan ko pang mabuhay ng matagal para mas marami pa akong matulungan.

Kailangan ko ring ilayo ang aking sarili sa attorney na iyon.

"Sound selfish pero kaligtasan ko muna ang uunahin ko. Saka para maging malinaw ay hindi si Atty. Gray ang dahilan, okay?"

"Oh, okay. You're acting strange kasi since noong nakita mo ang guy na iyon," conyo pang sabi nito.

Nginitian ko lang ito at walang salitang lumabas ng department. Sakto namang papalabas na ng station si Monica Garrett kasama ang attorney nito. Nanatili ako sa aking kinatatayuan habang nakapamulsang nakamasid lang sa kanila.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon