EPILOGUE

503 39 14
                                    

Murder Case #210
|Murder Case Series #2|

EPILOGUE

"Thus, the prosecutor requested the maximum punishment allowed by the law, a death sentence," may diin na lintanya ni Prosecutor Theorhys Ledezma.

Isang nakabibinging katahimikan ang namayani sa courtroom. Maging ako ay para bang ayaw ng huminga pa.

Please. Please.

"The court has made a decision," deklara naman ni Chief Justice Yna Sarmiento. "This court sentences defendant Hero Cannes to death."

Nakahinga ako nang maluwag. Agad na naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Gray. Hindi ko mapigilang umiyak dahil sa tuwa.

"To death? No!" sigaw ni Hero at nagpupumiglas pa ito. Agad namang inilabas ito sa courtroom.

"Salamat naman at natapos na ito!" saad ni Lovynnia sabay inat ng kaniyang mga kamay. Sakto namang padaan si Theorhys Ledezma kaya sumakto talaga sa mukha nito ang palad ng babae.

"Aish," rinig kong daing ng isa at kamuntik pang ma-out of balance. Mabuti na lang at nahawakan ni Gray ang braso nito.

"Hindi ko sinasadya," kaswal na sabi ng babaita.

Agad ko naman itong siniko at binulungan. "Mag-sorry ka na lang."

"Hindi ko sinasadya," ulit nito. "Sorry is only for things you meant to do. You feel sorry for someone because you did something even though you knew it would hurt them," rason pa nito.

Hindi naman ako makapaniwala sa inasal nito sa harap ng isang prosecutor. Narinig ko rin ang mahinang tawa ni Gray kaya agad ko itong siniko.

"Thank you for handling the case so well, Mr. Ledezma," agad na iba ko sa usapan.

"I just did my job. You also paid me right for it. You don't have to say thank you."

Agad kami nitong tinalikuran at lumabas na ng courtroom. Bahagyang nakaawang ang aking bibig habang inihatid ito ng tingin.

"See? Before you talk to anyone, find out how they act and speak first, for you to know how to handle them." Agad din lumabas ang babaita matapos akong pagsabihan.

Tumawa lang ulit si Gray sabay akbay sa akin. "Let's go," yaya nito.

Sabay na kaming lumabas. Ang gaan ng pakiramdam ko ngayon. Napakaganda din ng kulay ng langit sa aking paningin. Kahit na tirik na tirik ang araw ay gusto ko ang sinag nito na tumatama sa aking balat.

Ganito pala ang pakiramdam ng isang tagumpay. Ngayon ko lang naramdaman ang ganitong saya.

"Hey! Saan ang punta ninyo?" untag sa amin ni Ace.

"Home!" tugon ko naman.

"Okay! Ingat!" Ngumiti at kumaway pa ito sa akin bago tuluyang sumakay sa kaniyang kotse.

"Do you want to come with me?" tanong ko kay Gray.

Nagtatanong naman ang tingin na ibinigay nito. "Where?"

"Home."

"Home? Tita Zsaxia's Villa?"

"Hmm," tugon ko sabay tango. "Kung ayaw mo ay..."

"Wala na rin naman akong gagawin. Puwede kitang samahan."

Saglit ko siyang tinitigan sabay nginitian. "Okay. Tara... Oh, wala akong sasakyang dala."

Nanliit naman ang mga mata nito. "Kaya mo ba ako niyayaya dahil wala kang..."

"That's not what I mean. I won't invite you if I don't want to, you know me. May sasakyan o wala..."

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon