CHAPTER 18- PITT'S MURDER CASE

264 37 0
                                    

CHAPTER 18- PITT'S MURDER CASE

One month ago at LC Hotel

"You're killing the vibe, babe. Guess detectives aren't known for their party skills, huh?" Zeenarah quipped sarcastically.

I couldn't help but chuckle, resisting the urge to fire back. I didn't want to stoop down to the level of a criminal and psychopath.

"Kaya nga dapat ay hiwalay ang party ng mga mamamatay tao sa party ng mga matitino, eh. Hindi kasi kayo maka-relate sa 'min," balik pang-iinsulto ko rin.

Tumawa naman ito sabay talim ng titig sa akin. "Hindi ba puwedeng mag-enjoy muna tayo sa party na ito? Kung may ebidensiya ka tungkol sa mga paratang mo sa akin ay willing naman akong humarap sa korte, eh. Don't submit your conclusion unless you've backed it up with sufficient evidence."

"Ang kapal din talaga ng balat mo para sabihin iyan, 'no? Hindi kita mapapatawad sa ginawa mo sa kapatid ko kaya kapag nakakalap ako ng ebidensiya laban sa 'yo ay sisiguraduhin ko ring mabubuhay ang death penalty sa bansa at ikaw ang unang mapaparusahan ng gano'n."

Bumakas sa mga mata nito ang kaba pero agad naman iyong napawi. Marunong naman palang masindak, eh.

"Well, let's see," simpleng tugon nito at sabay na kaming bumaba ulit ng second floor.

Dumiretso ako sa isang sulok at tinawagan si Lovynnia. Agad naman nitong sinagot ang tawag ko.

"Lesia, ano na ang balita? Hindi ka pa ba lalabas diyan? Nilalamok na ako rito," angil nito sa kabilang linya.

Napasulyap naman ako sa kinaroroonan ni Zeenarah na ngayon ay nakikipag-chikahan na kina Gisette at Monica. Napailing na lang ako at bahagyang lumayo para mas marinig ako ng kausap ko.

"Hindi mo ba talagang puwedeng patayin na lang ang babaeng iyan? Tutal naman ay marami rin siyang tinapos na buhay, eh."

"Gustuhin ko man siyang patayin ay hindi puwede dahil detective ako at hindi kriminal, Lovynnia. Lalabas na rin naman ako. Diyan na natin aabangan si Zeenarah. Kailangan malaman natin kung saan siya nakatira."

"Okay. Good idea."

Ibinaba ko na ang tawag at nilingon ang puwesto ni Zeenarah pero wala na ito. Kaagad kong nilapitan si Gray.

"Where's Zeenarah?" halos pabulong kong tanong sa gitna ng malakas na musikang pumapaimbabaw.

"What?"

"Nasaan si Zeenarah?" ulit na tanong ko sabay irap dito.

"I don't know? Mukha ba akong baby sitter ni Zeenarah? Baka nasa CR lang."

Agad naman akong pumanhik papuntang palapag kung saan naroroon ang CR. Dahil sa heels na suot ko ay hindi ko magawang tumakbo. Binilisan ko na lang aking paghakbang.

Kumalabog ang aking dibdib nang wala naman akong Zeenarah na naabutan sa CR. Hinalughog ko na ang lahat ng cubicle room pero wala talaga.

Where's that bitch? Hindi niya ako puwedeng matakasan. Kailangan kong malaman kung saan ang lungga ng halang ang bitukang babaeng iyon!

Akmang pababa na ako nang may marinig akong kalabog mula sa 4th floor. Para bang may natumbang kung anong bagay.

Saglit akong nakiramdam at pinakinggan ang mga maliliit na tunog. Para bang mga yapak iyon papunta sa rooftop. Masyadong nagmamadali ang mga yapak kaya naririnig ko ang echo na ginagawa niyon.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon