CHAPTER 9- POTENTIAL KILLER
Dissociative amnesia occurs when a person experiences a stressful or traumatic event in life. This is the only possible reason why I don't remember anything that happened that night. Legacy said that I might either forget what happened permanently or remember gradually.
Dalawang araw na akong nasa pamamahay ni Gray. Wala na rin ang sakit sa akin katawan. Sa tingin ko rin ay nabawi ko na ang aking lakas.
Bago pa ako tuluyang lamunin ng kung ano-anong ideya sa aking isipan ay bumangon na ako at lumabas ng kuwarto.
Sakto ring lumabas si Gray sa kaniyang kuwarto. Nagtama pa ang aming paningin. Sa halip na kausapin ito ay dumiretso na lang ako sa kusina nito.
"Kung hindi mo gusto ang lasa ng mga niluto ko diyan ay um-order ka na lang sa LC Resto. Itong phone ko muna ang gamitin mo..."
"Iyan din ang itatanong ko sa 'yo. Nasaan ang cellphone ko?"
"Cellphone?" nakakunot-noo nitong usisa.
Pinanliitan ko ito ng mga mata habang sinusuri kung totoo ba ang reaksyon nito o pinagloloko lang ako.
Hirap palang mawalan ng memorya! Nakakabaliw!
"Nasa bitbit kong purse ang cellphone ko. Ano ba namang delubyo ito? Mabuti na lang at wala akong mga hubad na picture doon kaya safe kahit nawala," himutok ko sabay siring ng tingin sa lalaki.
Agad naman siyang napaiwas ng tingin. Napakunot-noo na naman tuloy ako.
"Bakit ganiyan ang hitsura mo? May nasabi ba akong mali?" dagdag tanong ko.
"Sinong baliw ang kukuha ng hubad na larawan ng sarili?"
"Masyado ka namang seryoso sa buhay, Gray Hermes. Akala ko ba ay mas magiging masaya ka kapag naging attorney ka? Eh, bakit parang hindi naman? Hindi ba at priority mo ang pagiging masaya?" nangungutyang tanong ko pa.
I was satisfied with the loss of emotion on his face. I just want to remind him that even though he is helping me, we are still not on the same page.
Napalunok ako nang humakbang siya papalapit sa akin. Napaatras naman ako hanggang sa lumapat ang aking likuran sa refrigerator.
"You messed up my life years ago," he said, his hands firmly gripping each side of me, our faces inches apart.
"Should I say sorry for wrecking your precious life?" I shot back, my tone full of disdain.
"Honestly, I'm ashamed of you for being happy despite wrecking our relationship," he spat, his words dripping with insult.
"I just did what I thought was right," I declared firmly.
He leaned in closer, tension crackling between us, but I refused to back down.
Yeah, we were once crazy about each other. We believed we could defy life's cruelty, finding comfort in each other. We never thought our blissful ignorance would lead to our downfall.
"That's why I don't regret dumping you, Lesia Abellana. You're selfish," he accused.
"Excuse me? I was the one who ended things first, Gray Hermes," I fired back, shoving him away. "Selfish? Look who's talking."
I loved him. I gave him my heart. And when I got pregnant at seventeen, I thought our love could withstand anything. But losing our daughter taught me to stand on my own. I pushed myself to become a detective, seeking redemption for my failures as a mother.
Parehong naging malupit sa amin ang mundo at ang mga taong nakapaligid sa amin. Ang tanging kaibahan lang naman namin noon ay madalas siyang panghinaan ng loob dahil mas inaalala niya ang kaniyang sarili higit sa kung sino at kung ano.
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
غموض / إثارة|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...