CHAPTER 1- 210 SUBJECT

555 55 12
                                    

CHAPTER 1- 210 SUBJECT
DETECTIVE LESIA ABELLANA


"Shut up, Veins!" malakas kong asik dahil sa inis. "Anong sinasabi mong suicide ang nangyari, ha? C'mon! Halata namang hindi simpleng suicide iyon, eh. Look, may gusto bang magpakamatay pagkatapos pumasa sa isang Licensure Exam at na-engaged sa long-time girlfriend niya, ha?"

Ang tinutukoy ko ay si Elias Plasinto, ang lalaking nagpakamatay diumano sa apartment nito kagabi. May suicide note naman ito pero hindi nagma-match ang nakasulat doon sa reyalidad na mayroon ito.

Does he have no reason to continue his life? I doubt it. A contented life is all about having a partner in crime and achieving greatness in a specific industry. That man has both, that's why I smell something unjust. I didn't become a detective just to be fooled by this killing style.

"Look here, Ms. Lesia... No, I mean Homicide Detective Lesia Abellana, hindi natin trabaho ito. Si Detective Lovynnia ang may hawak ng kasong ito kaya puwede ba? Bakit hindi ka na lang magpokus sa paghahanap ng killer na siyang pumatay sa psychopath mong kapatid at bumura ng ala-ala ng kaibigan mong guro?"

Pakiramdam ko ay may bagay na ipinukpok sa aking ulo para tuluyan akong matauhan. Napalunok ako at napatitig sa isang folder.

Murder Case #201. Dalawang killer ang kasangkot sa kasong ito. Ang isa ay ang kapatid ko na ngayon ay nasa ilalim na ng lupa at malamang sa malamang ay pinagbabayaran na ang kaniyang kasalanan sa impyerno. Ang isa naman ay ang babaeng naka-maskara. Ang babaeng iyon ang nasa likod ng pagkamatay ng lahat ng may kaugnayan sa kasong ito.

Simula sa doktorang si Kira, rookie photographer na si Ansel, DA student na si Kristel at ang nanay ni Ainslynn na si Tita Marcell. Ang babaeng iyon ang totoong kumitil sa mga buhay nila at ang naging dahilan kung bakit nawala ang ibang ala-ala ng kaibigan kong si Ainslynn.

Sa lahat ba naman ng puwedeng makalimutan ni Lynn ay bakit ako pa at ang babaeng killer? Kahit ako na lang sana, huwag lang ang babaitang killer na 'yon.

Damn it!

"Detective Lesia." Agad akong napatayo nang makita si Detective Lovynnia. May bitbit itong folder at pabagsak na inilapag iyon sa mesa. "Get out," pautos nitong sabi kay Veins.

"Why? Detective din ako..."

"Ayaw kong makipag-usap sa taong alam kong hindi naman maniniwala sa mga sasabihin ko. Wala akong oras para sa kagaya mo," sagot naman ng babae.

Sinenyasan ko naman ito na lumabas na lang at huwag ng bwisitin ang babae. Halata namang kasing wala pa itong maayos na tulog kaya mainit ang ulo.

"Birds of a feather flock together," komento pa ng lalaki at walang  nagawa kundi ang lumabas na lang.

"Natanggap mo ba ang text ko?" usisa ko sa matamlay na boses.

Naghila ito ng upuan at naupo sa bandang harapan ko. "Oo at tama ka nga. Hindi simpleng suicide lang ang naganap."

Napaangat naman ako ng tingin dito at napaayos na rin ng upo. "Bakit mo naman nasabi?"

Binuksan nito ang folder. "Ito ang autopsy report. May mga natamong sugat sa kaniyang talampakan ang biktima at ayon dito ay tatlong araw na ito. Ibig sabihin ay may kakaibang nangyari bago pa ang suicide case."

Dinampot ko ang isang crime scene photo. Pinakatitigan ko ang kurtina. "Tingnan mo 'to. Hindi ba at hindi normal ang pagkagusot ng tela?"

Para bang ginamit ito para sakalin ang kung sino. O di kaya ay...

"O kaya ay ito talaga ang ginamit para patayin ang biktima?" patanong na konklusyon nito.

"Bingo," mahinang usal ko. Kaya nagkakasundo kami ng isang ito, eh. "Patay na ang biktima bago pa siya ibinitin sa pisi para palabasing suicide ang lahat."

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon