CHAPTER 11- TRAP
Nakatulala lang ako habang nakatitig sa coffee cup na nasa harapan ko ngayon. Nasa coffee shop kami sa baba ng clinic ni Legacy. Dito na kami dumiretso pagkatapos ang desisyon ng SH Station Detectives na palabasin ako.
Gayumpaman may mga limitasyon ako ngayon. Bawal akong lumabas ng bansa, pumunta ng probinsya na kailangang tumawid ng dagat at mas lalong hindi ako puwedeng mangialam sa imbestigasyon tungkol sa pagkamatay ni Zeenarah Pitt.
Isang assignment lang ang ibinigay sa amin ni Detective Veins at ito ay ang hanapan ng ebidensiya na si Zeenarah Pitt ang mastermind ng Murder Case #201. Kapag naibigay namin iyon sa kanila ay mapapawalang bisa ang kaso na isinampa sa akin ng sender ng video at voice record.
"Iniinom ang kape, hindi tinititigan lang. Ayaw mo ba rito? Puwede tayong lumipat sa iba."
Nanatili akong tahimik habang inaalala ang huling usapan namin ni Zeenarah.
"Hindi ako nandito para sa kaibigan ko. Nandito ako para sa kapatid kong sinamantala mo ang kahinaan. Huwag kang magkakamaling takasan itong larong sinimulan mo dahil kapag ginawa mo 'yan ay papatayin din kita kagaya nang ginawa mo sa mga naging biktima mo, Zeenarah Pitt. Dila mo lang ang matitirang walang galos. Tandaan mo 'yan."
Sa lahat ng ganapan ng gabing iyon ay malinaw sa aking ala-ala na gano'n lang ang sinabi ko. Pero kahit sabihin ko iyon sa kanila ay wala pa rin akong pruweba, hindi ba?
"May naaalala ka na ba, Lesia?" untag na naman sa akin ni Gray habang mataman na nakatitig sa aking mukha.
"Ang huling usapan namin ni Zeenarah."
"Tungkol sa pagkahulog mo sa hagdan, wala pa rin?"
Umiling ako. Nakahinga naman ito nang maluwag. Mas gugustuhin ba nilang wala akong maalala na? Bakit?
"Puwede bang makihiram ng cellphone ulit?" tanong ko.
Agad namang iniabot nito ang kaniyang cellphone. Agad kong tinipa ang personal phone number ni Veins. Mabuti na lang at may hobby akong magkabisa ng mga number ng mga kasamahan ko.
"Veins, si Lesia 'to," agad na pakilala ko bago pa ito magtanong.
Mainitin pa naman ang ulo nito kapag unknown number ang tumatawag. Naobsernahan ko na ang gano'ng attitude nito noon pa man.
"Oh, Lesia? May trabaho pa ako. Kung gusto mo magpasalamat ay huwag muna. Hindi pa tapos ang imbestigasyon. Maaaring ikaw nga ang kriminal na hinahap namin kaya friends over muna tayo."
I find his arrogance amusing. "As if we're friends. Don't worry, I've already reached the acceptance stage. By the way, regarding the recorded conversation..."
"What about it?"
"I feel like those words were fabricated. I did say some parts, but not everything was true. Please double-check the credibility of that voice recording."
"Ohh, got it. Thanks, Lesia."
"For what?"
"For helping us clean up this mess of yours. You owe me now."
"Ugh, what a jerk! Bye." I quickly ended the call.
"Thank you, Gray..." I trailed off as he shot me an intense glare.
What's with this guy?
Sa halip na magsalita pa ay ipinatong ko na lang sa mesa ang kaniyang cellphone at kinuha ang lumalamig ng kape.
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
Mistério / Suspense|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...