CHAPTER 2- CRIME IN DISGUISE

1K 61 0
                                        

CHAPTER 2- CRIME IN DISGUISE

"Wew! Lutang sa umagang kay ganda ng sikat ng araw," pamumuna sa akin ni Marie.

Napatitig ako sa picture ng babaeng nasa loob ng SH confession room ngayon. Paano ba namang hindi ako maging lutang? Eh, halos suyurin na namin ang buong mundo para lang mahuli itong babaeng diumano ay pumatay mismo sa kaniyang asawa.

Sa ngayon ay hindi pa malinaw ang motibo nito sa pagpatay at may ilan din sa department namin na hindi naniniwalang ito nga ang pumatay.

Maganda, sikat at mayaman. Sino bang maniniwalang magiging kriminal lang din ito?

Monica Garrett. She's an A-list actress. Isang taon pa lang din ang nakakalipas simula nang magpakasal ito sa anak ng isa sa pinakamayamang pamilya sa bansa na si Liam Ong. Pareho silang public figure at wala rin namang nababalitaang may alitan ang mag-asawa para umabot sa isang trahedya.

Dalawang linggo na ang nakakaraan simula nang matagpuan ang lalaking wala ng malay sa sariling kuwarto nito. The cause of death was a poisonous drug. The initial investigation results claimed it was suicide, supported by a suicide note and all data indicating that the man's decision was to end his own life.

Wala itong ipinagkaiba sa kaso ni Elias Plasinto. It's like a crime in disguise.

Ipinasa ito sa amin ni Lovynnia para makumpirmang tama ang hinala namin sa ganitong klase ng kaso. Kapag napatunayang hindi nga basta suicide ang nangyari ay lahat ng kasong katulad nito ay mapupunta sa amin. We will file for a reinvestigation, and the Suicide and Homicide Department of SH station will join forces to resolve cases like this.

"Nandito na ang attorney ni Monica," bigay alam sa amin ni Lovynn na kapapasok lang din.

Magkatabi lang din naman ang department namin at dahil sa special case na ito ay labas-masok na rin ito rito sa HD.

Bumukas ang main door ng station. Mula sa kinauupuan ko ay nakita ko ang grand entrance ni Atty. Gray Hermes. Maraming reporters sa labas kaya halata ang pagkaasar sa pagmumukha nito.

"Oh, Gray Hermes. Long time no see in person, huh?" I remarked as he passed by our department. He didn't bother to look back, so he didn't see me.

Lovynn glanced at me. "Do you know each other?"

"Not really, but we attended the same high school and were batchmates. If only I had known that he would become one of the country's sought-after attorneys..."

Natawa ako nang may maalala. Hindi nga naman talaga natin hawak ang kinabukasan. Hindi imposible ang isang pagbabago sa tao.

"And?" tanong ni Marie sa interesadong tono.

"Nevermind. Magpokus tayo ngayon sa kasong ito," pag-iiba ko sa usapan.

"Mas magandang ideya nga na gawin nating stepping stone ang kaso ni Mr. Liam Ong. Sa lahat ng biktima ay siya ang bigatin at kapag na resolba natin ito ay mas madali na lang isunod ang iba pa."

Napatango na lang din ako sa sinabing iyon ni Lovynn. Mas mayaman, mas maimpluwensiya, 'di ba?

Hindi magiging madali ang imbestigahan ang mga posibleng kasangkot ng kaso pero tungkulin namin na gawin ang abot sa aming makakaya para aksyonan ang krimeng naimbento ng isang matalinong kriminal.

"So, sino sa atin ang haharap kay Atty. Gray at Monica?" tanong ni Lovynn sa akin.

Itinuro ko naman ang aking sarili. "Not me, suicide ang finding..."

"Nalilito ka pa rin yata? Ngayon na may tip-off tayong natanggap na murder ang nangyari ay nasa homicide na napapabilang ang kaso."

Napakamot naman ako sa aking noo. Wala akong lakas ng loob na harapin ang attorney. Hindi dapat magkasalubong ang landas namin sa ganitong sitwasyon.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon