CHAPTER 7- WILD CARD
Napalunok ako nang tuluyan naming marating ang palapag kung saan kasalukuyang ginaganap ang party ni Gisette Olivares.
Umakto akong normal kahit na ramdam ko ang titig sa akin ng mga sikat na personality na nandidito ngayon. Pasimple akong sumulyap kay Gray at nagkataon naman na napatingin din siya sa akin. Bahagya pa siyang tumungo para bulungan ako.
"Relax. This is what you wanted, isn't it? Whatever your target, mission, or purpose may be, just ensure you don't get caught. I never imagined myself appearing in court as your attorney."
"Aish, jerk!" pabulong ko ring asik. Tinaasan lang ako nito ng kilay at iniwan na ako.
"Hi," bati ni Hera sa akin.
Ngumiti naman ako kahit na alam kong may kasunod na tanong ang simpleng pagbati nito.
"So, are you still with Gray?" segundang tanong nito. Gusto ko namang mapairap.
Bakit ba may mga taong palaging curious sa buhay ng iba? Madadagdagan ba ang points nila sa langit kapag naging chismosa sila?
"Ah..." Napatingin pa ako kay Gray na ngayon ay kausap ang grupo ni Monica. "Hindi na kami."
"Eh? So, what are you doing here? Did Gisette invite you? Are you also her friend?"
Napakuyom naman ako. Kung bakit kasi ito kaagad ang nakasalubong ko rito? Parang gusto ko na lang umuwi.
"Hera," sabi ng tinig lalaki.
Sabay pa kaming napalingon. Bumungad naman ang mukha ng kakambal ng babae na si Hero.
"Hey, brother! Bakit late ka? Sinabi ko pa sa 'yong daanan mo ako..."
Agad namang natakpan ng lalaki ang bunganga ng kapatid dahilan para matigil ito sa kadaldalan.
"I'm sorry," paumanhin na sabi nito sa akin.
Ngumiti lang ako sabay tango. Hinila na nito ang kakambal papunta sa isang table. Nakahinga naman ako nang maluwag.
I took up a position in a corner to observe. Gisette hasn't shown up yet. Maybe she's still busy preparing. It's typical for a public figure to be conscious about their physical appearance. They say physical appearance isn't everything, but for those in the Hall of Fame, it often is.
"Good evening, everyone!"
Ang malakas na boses na iyon ang nakapagpagising ng aking diwa. Pumailanlang naman ang masayang ingay dahil sa presensiya ni Gisette. Nakipagbatian lamang ito sa mga guest. Mukha namang mabait talaga ito.
Napatingin ako sa main door. Mukhang dumating na rin ang babaeng pakay ko ngayon. Malapad ang ngiti nito habang nakikipagbatian. Nakipag-beso ito sa halos lahat ng sikat na guests. Isang long sleeve dress ang suot nito. Napaghahalataang itinatago ang artificial nitong kamay.
Napaayos ako ng tayo nang lumapit si Zeenarah Pitt kay Gray Hermes. Agad na iniangklas nito ang kamay sa braso ng lalaki.
Ipinagpatuloy ko lang ang pagmamasid hanggang sa magtama ang paningin namin ng babae. Halata sa mukha nito ang pagkagulat. Ang pagkawindang ng sistema nito ang kinuha kong pagkakataon para malapitan ito.
"Hi," kaswal na bati ko.
Mukhang hindi naman nito alam ang isasagot. Sinalubong ko ang tingin ni Gray at alam kong alam na nito na ang babaeng ito ang dahilan ng pagpunta ko rito.
"Hello, do I know you?"
"I suppose so?"
"Why are you here? Your name isn't on the list."
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
Misterio / Suspenso|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...