CHAPTER 21- LEGENDARY ISLAND

595 48 2
                                        


CHAPTER 21- LEGENDARY ISLAND

"Ayaw niyo talaga magsalita?" tanong ko na may halong paninindak sa mga matandang nasa harapan namin ngayon.

Lingid sa kaalaman nina Ace at Veins ay pumunta kami ni Lovynnia rito sa Isla Sirangan para mag-imbestiga rin. Malakas ang kutob kong marami pa kaming nakaligtaang impormasyon tungkol sa pagka-kidnap sa kay Venice.

Naalala ko kasing mahigpit sila sa entrance kaya imposibleng hindi nila napansin ang pagpasok ng killer at ng biktima sa islang ito. Kung gabi tinangay ang babae papunta rito, ibig sabihin ay hindi outsider ang culprit dahil wala ng puwedeng pumasok sa Sirangan Bound pagsapit ng 6:00 p.m.

Sigurado akong kilala lang din nila ang salarin pero itinanggi nila iyon. Pinili nilang kampihan ang kriminal at pagtakpan ang krimen nito kaya gusto kong managot lahat ng kasangkot sa nangyari kay Venice.

Once and for all, reresolbahin ko ang lahat ng kasong ito na nagsimula sa Pitt sisters at sa SAO. Walang makaliligtas ni isang halang ang bituka.

"Okay, ilalagay namin kayo sa accomplice list—"

"Magsasalita na ako!" deklara ng matandang nakasuot ng pulang damit.

Sa pagkakaalala ko ay ito rin ang may weirdong tingin sa akin noong una naming punta rito.

"Hoy, Rita! Anong alam mo ba sa nangyayari sa mga dayuhan na ito, ha?" pananaway ng matandang lalaki.

"Ayaw ko na, Simon. Hindi ko na kayang itago ang mga krimeng nagaganap sa isla na ito." Bakas sa tono nito ang iba't-ibang emosyon. "Maniwala kayo o hindi, alam na alam namin ang mga nagaganap sa isla na ito. Ang mag-asawang ito ay kinokonsenti nila ang mga kriminal na nakakapasok dito dahil lang sa pera!" bulyaw pa nito.

"Anong pinagsasabi mo, ha? May pruweba ka ba?" sabat naman ng babae na dinuro ni Aling Rita. Ito marahil ang asawa ni Mang Simon.

"Pruweba ba kamo, Anding? Bakit hindi ninyo alamin ang estado ng buhay ng apat na anak nila? Walang matinong hanap-buhay dito. Kahit mga anak namin ay lumuwas pa ng Maynila para makipagsapalaran pero ang mag-asawang ito ay napag-aral pa sa mamahaling unibersidad ang mga anak nila! Ano sa tingin ninyo ang source of income nila?"

Napaisip naman ako. May punto si Aling Rita at saka unang kita ko pa lang din sa mag-asawa ay ramdam ko na ang maitim na awra ng mga ito.

"Sobra ka ng babae ka!" singhal ng lalaki at akmang sasampalin ang isa pero kaagad itong naagapan ni Lovynnia at padarag na itinulak ito paupo.

"Opps! Hindi tamang manakit ng babae, Mang Simon. Minamahal kami at hindi dapat na ginagano’n-gano’n lang."

"Sumama kayo sa amin at makipag-cooperate sa imbestigasyon—"

"Wala kaming kasalanan, bakit niyo kami ikukulong?" pamumutol ni Aling Anding sa akin. Halata na nagpa-panic ito.

Nanatiling tahimik naman ang dalawang magkapatid na sa natatandaan ko ay Ising at Belen ang pangalan.

"Wala ho akong sinabing ikukulong namin kayo. Ang sabi ko ay makipag-cooperate kayo sa imbestigasyon. Besides, good detectives won't bring you to jail as long as you're innocent. We are from SH Station and we are known for our fair and square investigation and verdict, Ma'am Anding," kalmado kong paliwanag.

Sa huli ay wala silang nagawa kundi ang sumama sa amin. Tinawagan ko rin si Detective Veins at Ace para sunduin kami sa port. Habang nasa biyahe kami ay ipinaliwanag ko na sa kanila ang nangyayari sa pagitan namin at ng Siringan People.

Idiniretso namin ang mga matatanda sa SH Station para sa interrogation. Sinimulan din naming i-background check ang mga anak nila.

We confirmed that Aling Rita's statement was indeed accurate. The couple's four children graduated from prestigious universities, with both sons becoming Certified Public Accountants and the daughters pursuing careers as Flight Attendants.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon