CHAPTER 16- SIRANGAN ISLAND

599 46 2
                                        

CHAPTER 16- SIRANGAN ISLAND

"That guy gave his best to protect you even until now. Sa sitwasyon mo ngayon ay huwag mong pipiliing maging kaaway ang mga taong alam mong totoo ang pagmamalasakit sa 'yo."

Pabagsak akong napaupo sa couch dahil hindi na maalis sa isipan ko ang mga sinabi ni Lynn. Malakas talaga ang impluwensiya ng mga salita ng bruhang iyon sa aking sistema.

Dinampot ko ang aking cellphone at hinanap ang number ni Gray. Tatlong araw na ring hindi nagpaparamdam ang lalaking iyon.

Afford ko namang mag-hire ng ibang attorney pero ang magtiwala agad ay hindi. Aaminin kong mas komportable ako kay Hermes.

Napalunok pa muna ako bago ito tinawagan. Napatayo ako at napadungaw sa glass window habang pinapakinggan ang pagri-ring ng kabilang linya.

Napabuntonghininga na lang ako at tinigilan na ang pagda-dial sa number ng kugtong dahil hindi naman nito sinasagot ang tawag ko.

He's either mad or just busy.

Muli akong napatingin sa screen ng laptop. Binasa ko ang impormasyong tungkol sa SAO. Ayon dito ay buhay pa ang abandonadong SAO Building na matatagpuan sa Isla Sirangan.

Mabilis kong binuksan ang SH website at naghanap ng impormasyon tungkol sa kasalukuyang estado ng isla.

Walang annual population growth rate o kahit na anong bakas na nagsasabing may naninirahan pa roon.

Puwedeng pumunta roon sa pamamagitan ng motor sa dagat ngunit 5:00 a.m. hanggang 5:00 p.m lang din mayroong biyahe at apat na oras din bago makarating doon.

Hindi namang masamang bisitahin ang lugar na pinanggalingan ko, 'di ba?

Entering the room to change, I opted for a black tank top under a denim jacket, complemented by black fitted ripped jeans. I stowed my wallet, stun gun, and multifunctional Swiss folding knife in a compact black backpack.

Before I could reach the elevator, Legacy phoned. I promptly answered.

"Lesia," bungad nito sa matamlay na boses.

"Legacy, bakit? May problema ba?" tanong ko at pinindot na ang GF button.

"May ginagawa ka ba?"

Sa tono ng pananalita nito ay halatang may pinagdadaanan. Malungkot at malamya.

"Wala naman. Gusto mo bang puntahan kita?"

Bumukas ang elevator, senyales na nasa ground floor na ako. Napatingin ako sa wristwatch ko. Magtatanghali pa lang naman. Puwede ko pa itong kitain bago pumunta ng isla.

"Yes, please? Kita tayo sa coffee shop sa baba ng clinic ko."

Tuluyan akong nakalabas ng LC Building at agad na sumampa sa aking motor. Pinaharurot ko ito papunta sa napag-usapan naming lugar ng doktora.

Mabilis ko lang namang narating ang aking destinasyon. Ipinarada ko sa harap ng coffee shop ang motor ko at pumasok na sa loob.

Nasa isang sulok si Legacy kaya naman kaagad ko itong nilapitan. Malungkot ang ngiting ibinigay nito sa akin.

"Why? What's with your gloomy aura?"

"Have a seat first." I promptly obliged. "Coffee?" she offered, gesturing towards a cup.

I shook my head. "Not in the mood to befriend caffeine at the moment."

Sabay kaming natawa pero halata pa rin sa mukha nito na may kung anong bagay na bumabagabag.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon