CHAPTER 15- BOW AND SPEAR
"Sigurado ka bang ang pumatay kay Zeenarah ang nakausap mo?" tanong ni Lynn.
Agad naman akong napatango. Hindi ako puwedeng pumunta ng SH station kaya sila na lang ang pumunta rito sa condo ko. Nandito rin sina Ace, Lovynnia at Gray. Pinagdidiskusyonan namin ang lalaking tumawag sa akin kani-kanina lang.
"Tinawag niya akong Lessy."
"Why though? Couldn't it just be a wrong call?" Lovynn inquired.
I shook my head. "My original name was Lessy. It became Lesia when Mommy Zsaxia and Daddy Manuel adopted me."
"So, your case is like something out of a mystery novel, huh?" Ace interjected.
We all looked at him with furrowed brows. I also noticed his subtle hand-holding with Lynn.
"Tsk. What I mean is, that Lesia's case has become cliché. This kind of thing happens in novels or films, right? Often, it turns out the killer is just a forgotten childhood friend," Ace added.
"Did you say Lesia's childhood friend is the killer?" Lynn asked, raising an eyebrow.
"That's not impossible though, since she came from an orphanage."
"Ace is right," I replied.
"See?" Ace said smugly, earning himself a quick smack from Lynn. He just grinned in response.
Nadi-distract tuloy ako sa dalawang ito. Hindi ako sanay sa extra-closeness nilang dalawa. Parang kahapon lang ay halos gustong patayin na nila ang isa't-isa.
"Sino sa tingin mo ang killer na ito?"
Sa kauna-unahang pagkakataon ay nagtanong si Gray. Akala ko ay wala na itong balak makisali sa usapang ito.
"I don't know. Baka nga isa sa kasama ko sa orphanage. Siya rin ang nagpadala sa akin ng red box. Feeling ko ay gusto niyang maalala ko siya. Ang hinala ko ay siya si Brixx, ang kaibigan namin noon ni Kuya Racerze sa SAO."
Napansin ko ang biglaang pag-iba ng facial expression ni Lynn. Alam ko ring napansin iyon ni Ace kaya mas humigpit ang hawak nito sa kamay ng kaibigan ko.
Bahagyang napaawang ang bibig ko pagkuwa'y nakagat ko na lang ang aking pang-ibabang labi. Dumapo ang tingin ko kay Gray na halatang nalito rin sa nangyayari.
"I-I'm sorry, Lynn," mahinang usal ko.
May epekto pa rin sa sistema nito ang pangalan ng kapatid ko. Kahit naman siguro ako ay matu-trauma rin sa mga pinagdaanan nito sa kamay nina Zeenarah at Kuya Racerze.
Tumayo ako at pumasok muna sa kuwarto para kalmahin ang sarili. Kinakain ako ng konsensiya sa kasalanang hindi naman ako ang gumawa.
Uminom ako ng pampakalmang gamot nang maramdaman ko ang paghahabol ko na naman ng hininga. Lumalala na yata ang panic disorder ko. Agad kong tinawagan si Legacy para ipaalam dito na pupunta ako sa clinic nito mamaya.
"Okay. Hindi naman marami ang naka-schedule ngayon. Palagi akong may oras pagdating sa 'yo," saad nito.
Tumango naman ako. "Salamat, Legacy."
"You're welcome, dear."
"Lesia."
Agad akong napalingon para suriin kung sino iyon. Huli na para pigilan ko si Gray na pumasok nang tuluyan sa aking kwarto.
"Si Gray ba iyon?" biglang tanong ni Legacy.
Napapikit naman ako habang hindi na makapa ang dila ko.
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
Mystery / Thriller|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...
