CHAPTER 3- SICK SOUL

334 45 1
                                    

CHAPTER 3- SICK SOUL


"Let's not meet and see each other again."

"Okay. Don't ever come to me if you want to live. Distance yourself from me before I could kill you."

"Detective Lesia," untag sa akin ng kung sino sabay yugyog ng balikat ko.

Bumungad sa aking paningin ang mukha ni Lynn. Mukhang kakapasok lang din nito rito sa unit ko. Napatingin ako sa aking relo. Wala pang isang oras ang tulog ko. Masyado akong tinamaan ng pagod kaya dito na ako sa sala nakatulog.

"Why?" malamya kong tanong sabay inat ng aking mga kamay.

"Liam Ong."

Napaayos naman ako ng upo dahil sa pangalang sinambit nito.

"Ha? What about him?" agad kong usisa.

Matalim ang titig na pinakawalan nito sa akin. Napalunok naman ako.

"Ang lalaking ito ang iniimbestigahan ninyo ngayon?" tanong din nito sabay lapag ng isang litrato.

"Yes, may alam ka ba tungkol sa pagkamatay ng taong ito?"

"Leave this case alone." Seryoso ang tono nito at malalim din ang titig na ipinupukol sa akin.

"I can't..."

"You can. Just trust me, Lesia."

Napatulala naman ako sa mukha nito. Huli na nang mamalayan kong namamasa na pala ang aking mga mata. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na sinambit niya ang pangalan ko na walang detective sa unahan nito.

"Why should I?" mahina ngunit may diing tanong ko.

"I am not sure yet but I am trying my best to sort it out."

"Are you kidding me?! Anong abilidad ba mayroon ka at hindi ka sigurado kung..."

"May limitasyon ang kakayahan ko, Detective Lesia! Maaaring mangyari o puwedeng mabago. Puwede siyang maging dahilan ng pagkamatay mo o hindi."

"So, ano ito? Trial and error?" sarkastikong asik ko.

"Simula nang mawala ang ilan sa aking mga ala-ala ay nagbago ang pattern ng aking pandinig. Naririnig ko ang isang krimen isang buwan bago pa mangyari iyon. May sapat na oras pa para baguhin mo ang iyong kapalaran, Lesia. Kapag hindi ka umiwas sa lahat ng posibleng maging dahilan ng panganib na nag-aabang sa 'yo ay sigurado akong mangyayari at mangyayari sa 'yo ang kung anumang aking narinig."

"Narinig mo rin ba kung paano namatay si Liam Ong?"

"Hindi. Wala akong koneksyon sa lalaking ito."

"Hindi naman pala..."

"I simply want you to understand that I'm not privy to every murder case. I lack control over my ability; instead, it's the crimes that come within my hearing. It's the selected crimes that approach me, not the other way around, Lesia." Just as I was about to speak, she interrupted me. "Regardless of whether the crime is nearby or distant, if I hear about it, I hear about it. If I don't, I don't. However, you still can't ignore my warning, even if I only hear about two or three murder cases within a month."

"Really?" walang gana kong sabi. Kapag tungkol sa murder cases ang usapan ay ang dami niyang nasasabi. "So, bakit mo ako pinapalayo sa case ni Ong kung gano'n?"

"I have this hunch that this case will drive you to your final destination..." Pinakatitigan ako nito, walang kurap o ni anong emosyon sa mga mata. "Death."

"But I am the detective in charge of this special case..."

"This so-called special case or your life? May mga bagay akong pinili noon na ngayon ay pinagsisisihan ko na, Lesia. Your fate is now on your palm, play wisely."

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon