CHAPTER 19- NEWFOUND VICTIM
"Sigurado ka bang may ibang taong nandidito?" pangungulit pa ni Gray.
"Puwede bang manahimik ka na lang at sumunod na lang? Huwag kang lalayo sa 'kin kung gusto mo pang makauwi ng buhay," paninindak ko naman sa kaniya.
Marahan lang ang mga hakbang namin habang pababa na kami. Bawat bahagi ng palapag ng SAO Building ay pinapasadahan ko ng tingin.
"Ano 'yon?" biglang tanong na naman niya nang biglang may kumalabog galing sa baba.
"Sabi ko naman sa 'yo, hindi lang tayo ang tao rito."
"Paano mo nasabi? May superpower ka ba?"
Pinigilan ko ang aking sarili na batukan siya. Nang nasa 2nd floor na kami ay napansin ko ang biglang pagdilim sa loob. Napadungaw ako sa bintana sa may gawi namin at napagtanto kong makulimlim na ang kalangitan.
"Narinig mo?" sabay pa naming tanong.
Ang weirdong tunog na iyon ay narinig ko rin nang gabing pinatay ng killer si Zeenarah.
"A magnetic lighter?" patanong niyang tugon.
Nahinto naman ako bigla sa paglalakad kaya bumangga siya sa aking likuran. Pareho pa kaming nagkagulatan.
"What?" pangungumpirma ko pa.
"Bakit ba bigla ka na lang tumitigil? Saka bakit hindi na lang tayo tumakbo papalabas ng building na ito? Eh, sabi mo ay may maligno rito."
Napikit naman ako dahil sa inis. "Bakit hindi ka na tumakbo sa labas? May sinabi ba akong maligno? Ang sabi ko ay tao o baka ang killer."
Agad naman siyang napahawak sa kamay ko na para bang takot na bata na maiwan ng kaniyang nanay. Duwag nga pala ito. Hindi bagay sa kaniya ang maging isang attorney.
"Killer? Nandito ang killer? Anong gagawin natin?"
"Eh, ano pa ba? Kailangan nating harapin. Hindi ba at hinahanap naman talaga natin ang killer?"
"What? Killer ba ang hinahanap natin sa lugar na ito? Paano mo nalaman na nandito siya?"
Ang daldal ng kugtong na ito! Paano pa ito naging crime attorney?
"Just."
"Just? Sino ba ang killer?"
Hindi ko naman sinagot ang kaniyang tanong. Sa ngayon ay walang ibang puwedeng makaalam kung sino ang pumatay kay Zeenarah.
Kailangan ko pa itong makausap nang masinsinan. May mga katanungan pa ako na paniguradong ang lalaking iyon lang ang makakasagot.
"Detective Lesia!"
"Ay kabayong kalbo!" pulahaw ni Gray habang ako ay sapo ang dibdib dahil sa gulat.
"Bakit na naman?" iritang tanong ko sa babaeng nakasuot na naman ng napakapangit na maskara.
"Umuulan na kasi sa labas kaya dinalhan ko kayo ng payong," sabi nito sabay abot sa 'kin ng pulang payong. Tinanggap ko na lang.
"May matutuluyan na ba kayo?" usisa nito habang pababa na kami ng 2nd floor.
"Wala dahil uuwi naman kami," sagot ko naman.
Nakahawak pa rin sa kamay ko si Gray. Halatang duwag ang kugtong.
"Eh? Wala ng papalaot na bangka ngayon lalo na papunta rito sa islang ito."
"Ha? Bakit?" tanong naman ni Gray.
"Dahil nasa signal #2 na ang Manila. Mamayang gabi rin tatama ang Bagyong Marites."
Aish!
"Nakakainis naman," pabulong kong himutok. "Mayroon ba ritong puwedeng pagrentahan?"
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
Mystery / Thriller|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...