CHAPTER 8- BLACKOUT
Nagising ako sa sakit ng aking ulo. May kadiliman ang paligid ngunit naaaninag ko ang kabuuan ng silid na aking kinaroroonan ngayon.
Marahan kong hinaplos-haplos ang aking kanang braso habang inaalala ang dahilan kung bakit ako nandidito sa lugar na ito. Ang huling natatandaan ko ay kausap ko si Zeenarah sa harap ng CR. Hindi ko na alam ang mga sumunod na nangyari.
Biglang kumalabog ang aking dibdib nang unti-unting naiproseso ng aking utak ang sitwasyon ko ngayon. Punong-puno ng katanungan ang aking isipan.
Paano ako napunta rito? Sino ang kasama ko papunta rito? Bakit ang sakit ng buong katawan ko?
Dahan-dahan akong napabangon. Hirap na hirap ako dahil sa bawat galaw na aking gagawin ay para bang malalagutan ako ng hininga.
"Aish!" I said disappointedly. After a while, I was able to get up. I feel that half of my body is paralyzed. I can still taste the medicine in my throat.
May narinig akong mga yapak papunta na kuwarto na aking kinaroroonan. Muli na namang bumilis ang tibok ng aking puso.
Sino ba ang hindi kakabahan kong magigising ka na lang sa isang lugar ng wala kang naaalalang dahilan para mapunta roon?
Kasabay nang pagbukas ng pinto ay ang pagliwanag din ng ilaw. Napatakip ako ng mga mata dahil sa silaw niyon. Para bang isang dekada akong hindi nakaaninag ng liwanag.
"Gising ka na pala."
"Gray!" biglang sambit ko nang makilala ko ang boses nito. "Hoy, bakit nandito ako? Anong nangyari, ha? Hindi naman siguro tayo nag-time travel, 'di ba? Wala naman siguro tayo sa high school moments natin, 'no?" sunod-sunod na tanong ko.
Tanging pagbuntonghininga nito ang unang itinugon.
"Hindi tayo nag-time travel. You and your delusions," kaswal nitong sagot.
Para bang normal lang ang lahat para sa lalaking ito samantalang ako ay para bang napadpad sa ibang dimension ng mundo.
"Eh, bakit nga ako nandito kasama ka? This is weird, so weird, you know! Kahit sabihin na nating nalasing ako kahit wala naman akong naaalalang uminom ako sa party ay sigurado akong hindi ako sasama sa 'yo!"
Mataman lang itong nakatitig sa akin na para bang binabasa ang bawat salitang lumalabas sa aking bibig.
"Hoy, Abo! Ano na? Wala ka bang sasabihin sa akin? Ikukuwento or what? Mababaliw ako kapag hindi ko nalaman kung paano ako napunta rito!"
"Puwede bang pakihinaan ang boses mo? Hindi ka na bata, Lesia," pananaway nito at prenteng naupo sa couch na malapit lang din sa kama na kinasasadlakan ko.
Nayayamot ko naman itong pinakatitigan. "Can you answer all of my questions?"
"That's not my responsibility at all. You're not my responsibility either."
Awtomatikong nanliit ang aking mga mata sa tinuran nito. "Eh, bakit nandito ako? Tama ka. Hindi mo naman talaga ako reponsibilidad at kahit kailan ay hindi ko pinangarap na maging reponsibilidad mo."
"Para kang parrot," bulong nito kaya hindi ko narinig.
"What did you say? Did you just curse me, huh?"
"Ako dapat ang nagtatanong sa 'yo. Sobrang dami ko ring katanungan kaya puwede ba? Manahimik ka na lang muna..."
"What?" asik ko na naman.
Gusto ko kasing linawin nito ang sinasabi niya pero mukhang mas lalo lang ginugulo nito ang sistema ko. Nakailang ulit na ako ng tanong kung bakit nandito ako pero ayaw talaga nitong sagutin iyon.
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
غموض / إثارة|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...