CHAPTER 24- BATTLE OF WITS

315 39 4
                                    


LOVYNNIA ZEIDDEHAS' POV

|Three hours prior to the killer's capture.|

As I watched Lesia lost in thought, I couldn't help but wonder if she was scheming to capture Hero Cannes once again.

Tsk. Silly woman.

Kung hindi lang ito maganda ay baka nabato ko na ito ng computer keyboard na nasa tabi ko lang. Tumayo ako at nilapitan ito.

"May binabalak ka na naman ba?" untag ko sa kaniya.


Hindi ako nito inintindi. Para bang ganon na lang talaga kalalim ang lipad ng kanyang utak.

"Lesia Abellana!"

"Ano ba? Nanggugulat ka na naman diyan!"

"Haler? Nanggugulat? Ako? Tinatanong kasi kita nang maayos pero parang binging kugtong ka diyan..."

"Tulungan mo ako..."

"Aish, this bitch. Ano na naman ba ang binabalak mong gawin, ha? Sabihin mo na lang kasi ang totoo kina Detective Veins para sila na ang bahala sa kay Hero..."

Agad na natakpan niya ang aking bunganga kaya hindi na ako nakapagsalita.

"Will you please lower your voice?" asik niya sabay bawi ng kaniyang kamay.

Napailing na lang talaga ako. Palagi talaga siyang may sariling mundo,  eh. Bakit hindi na lang siya maging independent detective o kaya ay magpatayo ng sariling agency para siya na ang masusunod palagi?

"Stop cursing me, Lovynnia Zeiddehas."

"Am I? I am not cursing you. Paano ko naman magagawang murahin ang isang magandang..."

"Stop flirting with me either, okay? Alam kong pareho tayong maganda kaya hindi tayo talo."

Ouch! Grabi. Tsk!

"Fine. Ano ba kasi ang plano?" pormal kong usisa.

"Even if we manage to apprehend him alive, the evidence we currently possess may not be enough to secure a conviction. Despite potentially imprisoning that vile person, he may ultimately be released after serving only a few years."

"Who?" inosente kong tanong kahit alam ko naman kung sino ang tinutukoy nito. Sumama naman ang tingin nito sa akin. "I'm sorry, medyo slow lang ako ngayon."

"Palagi ka namang slow..."

"O hindi na lang kaya kita tulungan, 'no? What if sabihin ko na lang kina Detective Veins na si Hero..."

"Just kidding, okay? Halatang stress ka na, hindi ka na marunong kumilala ng joke."

"Hindi naman kasi maganda ang mga joke mo, eh," maktol ko pa. Tumawa lang ang bruha.

"Fine. Ang sinasabi ko ay kailangan kong mapaamin si Hero na siya ang pumatay kay Zeenarah. Gusto kong aminin ng lalaking iyon ang lahat ng krimeng nagawa niya pero paano?"

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon