CHAPTER 17- REAL CULPRIT

270 44 1
                                    

CHAPTER 17- REAL CULPRIT

Dumungka na ang bangka at sinalubong kami ng apat na babae at isang lalaki. Sa tindig at titig ng mga ito sa amin ay ipinagpalagay ko na na sila ang mga taong batas sa islang ito.

Nagiging wakwak kaya sila kapag gabi? Nagiging bampira o kahit anong klaseng maligno? Scary.

"She is Lesia," saad ni Gray sabay siko sa akin.

Huli na nang aking namalayang nakatulala lang pala ako sa mga ito habang nakaawang ang bibig.

Kugtong ka talaga, Lesia! Sa init ng panahon ay nagawa mo pang paglakbayin ang iyong imahinasyon papunta sa ibang planeta.

"Ah, yes. I'm Lesia. Ikinagagalak ko pong makilala kayo," nakangiti kong sabi.

Nahalata ko ang kakaibang titig ng isang babae. Para bang pinag-aaralan nito ang bawat anggulo ng aking mukha.

"Ano bang sadya ninyo rito?" tanong ng lalaki.

"Kailangan lang po naming bisitahin ang SAO Building. Aalis din naman po kami kaagad," direktang tugon ko.

Walang kahit na anong emosyon na mababasa sa kanilang mga mukha kundi ang pagiging territorial lamang. Marahil ay dito na sila lumaki.

Wait, kung dito sila lumaki, ibig sabihin ay naabutan pa nila ang pagiging aktibo ng SAO? O baka napunta lang sila rito pagkatapos mabuwag ng facility?

Napatingin ako sa karatulang may nakasulat na entrance fee. Kinuha ko ang aking wallet at agad na binayaran ang mga ito.

"Siguraduhin niyo lang na makabalik kayo rito bago mag-alas singco. Walang puwedeng matulog na dayuhan sa islang ito."

Napatingin naman ako kay Gray at iniangklas ko ang aking kamay sa braso niya.

"Sige po," tugon ko at hinila na papalayo ang kugtong. Mabuti na lang at hindi siya umalma pa.

Sinuri ko ang aking cellphone kung may signal ba o wala. Mabuti na lang din at mayroon naman. Hindi naman pala gano'n ka-oudated ang lugar na ito.

"Malayo pa ba ang SAO Building?" maya-maya ay tanong ng kugtong habang paakyat kami sa may kataasang parte.

"Why? Pagod ka na ba?"

"Just asking. Hindi ba uso sa 'yo ang sagutin ang tanong ng diretso?"

"Well, more or less than a one hundred kilometers?" pang-aalaska ko rito sa seryosong tono.

Bigla na lang itong napahinto at tiningnan ako ng masama.

"Are you kidding me?"

"We aren't close enough for me to tease you, and besides, you're not a kid anymore, are you?" muling banat ko para lalo pa siyang inisin.

"Stop talking to me."

Hindi ko naman siya sinagot pa. Pareho kaming nagpatuloy sa paglalakad papunta sa destinasyon namin. Dahil malakas din naman ang signal ay gumamit na ako ng Google map para hindi kami maligaw.

"Sigurado ka bang tamang daan ang tinatahak natin? Ilang beses ka na bang nakarating dito?" maya-maya ay tanong na naman niya.

Hindi ko na lang pinansin pa. Baka mamaya ay maitulak ko na lang siya. Paniguradong sa pinakababa siya dadamputin at hindi na humihinga pa.

"Lesia!" biglang bulyaw nito sa akin.

"Ano ba, Gray? Nakakagulat ka naman!" marahas ko ring tugon sabay pihit paharap sa kaniya. Mali talagang hinayaan ko siyang sumama rito, eh.

Murder Case #210 (Murder Case Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon