CHAPTER 5- HAUNTING
"Sinong hahanapin mo?" paasik na tanong ni Ace.
Kasalukuyan kaming nasa station. Ang rinig ko ay abala pa rin sina Lovynnia na bigyang kasagutan ang parami nang parami na bilang ng mga nagko-commit ng suicide sa weirdong paraan. Kagabi ay mayroon na namang estudyante ang kumitil ng kaniyang sariling buhay.
"Zeenarah Pitt. Sigurado na akong ang babaeng iyon ang killer."
"Paano mo naman mapapatunayan na ang babaeng iyon nga ang hinahanap nating killer?"
Pabagsak ko na inilapag ang isang folder na naglalaman ng case study ko patungkol sa Murder Case #201. Hinila ko ang isang larawan na kuha sa lugar kung saan nagka-encounter ang babae at si Ainslynn.
"Hindi natin alam kung si Kuya Racerze o si Ainslynn ang pumutol ng kamay ng babae pero isa itong malakas na ebidensiya, Ace. Fashion designer si Zeenarah at obvious na kamay niya ang kaniyang kalakasan. Naiintindihan mo naman siguro ang sinasabi ko?"
"Kung nakagawa ito ng gano'ng klaseng krimen, ibig sabihin ay hindi siya gano'n katanga para magpahuli ng buhay. About sa kamay niya, maaaring nagpalagay na rin siya ng artificial hand."
"Natural and artificial are vastly different from each other. Iyon lang ang kailangan kong makita para kumpirmahing tama ang theory ko. Ayaw magsalita ni Lynn kaya bantayan mo ang babaeng iyon. Paniguradong gagawa at gagawa ng paraan ang isang iyon para makaganti kay Zeenarah. Huwag mong hahayaang mapahamak na naman ang babaeng 'yon."
"Babaeng 'yon? Pareho talaga kayong baliw, 'no? Imbes na magkampihan kayo ay idinagdag niyo pa ang isa't-isa sa listahan ng mga kaaway ninyo. Huwag ninyong gawing mundo ang killer na 'yon. Sinisira niyo lang ang buhay ninyo."
Hindi na ako nagsalita pa. May punto naman ito pero anong gagawin ko kung pareho kaming may anger issues ni Lynn?
At least, hindi ko binalak o naisip man lang na patayin siya. Malinis ang konsensiya ko, psss!
Tumunog ang cellphone ko. Nang makita kong ang kaibigan kong Mycroft Detective Coalition agent ang nasa caller ID ay agad kong sinagot ito. Sa ngayon ay ito ang informant ko.
"Lesia Abellana."
"Yes, Eunsun Roosevelt?"
"Regarding Zeenarah Pitt. She has been in the Philippines for a long time..."
"How long? Keep it concise."
"Since her twin died. It's been almost 3 years now. She also owns a boutique."
"Anong boutique?"
"ZZ Fashionware."
ZZ... Ang isa sa boutique na pinupuntahan namin ni Lynn sa LC Mall? Wow. Small world.
"Mamaya ay may party sa LC Hotel, Northeast. Birthday ng isang fashion designer din na si Gisette Olivares. Isa si Zeenarah Pitt sa A-list Guests."
Gisette Olivares... tama!
Parang nabasa ko ngang may koneksyon ito sa kay Zeenarah Pitt. Ibig sabihin ay active pa rin ang babae sa fashion industry pero bakit walang mga article tungkol sa paglipat nito rito sa bansa.
Lowkey, ha? Halatang may hidden agenda ka rito, Zeenarah. Front cover mo lang ang career mo. Mamamatay tao ka!
Kung gayon ay kailangan kong pumunta ng party para makita ng personal ang babae. Paniguradong kilala ako nito. Hindi naman din magiging gano'n ang trato sa akin ni Lynn kung wala silang kasinungalingang sinabi patungkol sa akin.
BINABASA MO ANG
Murder Case #210 (Murder Case Series #2)
Mystery / Thriller|••PUBLISHED UNDER KPUB PH••| BITE YOUR TONGUE. DON'T SCREAM OR ELSE... The detective is shrouded in a veil of mystery due to her enigmatic past. While she had previously maneuvered her life's trajectory to change her fate for the better, an unfore...