CHAPTER 3 (Christian Delvallie)

183 3 0
                                    

Pangatlong araw pa lang simula ng magumpisa ang pasokan pero nag uumpisa na agad akong tamarin. Pupungas pungas akong umupo mula sa pagkakahiga sa papag na may manipis na sapin. Tumayo na ako at inayos ang higaan ko. Nagtempla na rin ako ng milo at nag luto ng almusal at babaunin kong pagkain para sa tanghalian.



Matapos makakain at makapag ayos umalis na ako ng bahay. Tumingin ako sa nagliliwanag ng kalangitan. Sayang wala ng star. Agad akong nag abang ng jeep na masasakyan ko.



——-

Napaaga ata ang dating ko. Pinag masdan ko ang paligid at nagbabakasakaling may makita akong kaklase ko at hindi nga ako nabigo nakita kong nakaupo si Elaine isa sa mga bench malapit sa food nook.



"Hi!" Bati nya sa akin. Ngumiti lang ako bilang tugon. Umupo ako sa kaharap nyang bench. Pinagmasdan ko sya. Hindi ko alam pero hindi na ata matatanggal sa akin yung pagiging mapagmasid ko sa kapwa ko.



Matangkad si Elaine, may kaputian, maganda ang mata nya, maganda sya kahit mataba sya. Hay, ewan. Tumigil ako sa pagmamasid sa kanya tumayo na ako at naglakad paalis. Dumeretcho na ako sa classroom kaso sarado pa kaya minabuti kong laruin yung cellphone kong mumurahin.



Hindi ko namalayan ang pagdating iba kong mga kaklase nalibang kasi ako sa paglalaro. Nalaman ko lang pasokan na ng kalabitin ako ni Pj. (pj short for princess jasmine dalawa kasi sila ni Nica na princess kaya yun na lang tinawag namin sa kanya)



May mga nadadag na estudyante sa amin. Hindi ko pinansin yung mga bagong dating gaya ng dati nakapatong yung siko ko sa arm chair ng upuan ko habang nakapatong ang baba ko sa mga palad ko. Nakatingin lang ako kay sir Clyde at nagaantay na may sabihin sya.



Kinalabit ako ni Nica. Ang hilig talaga nitong mangalabit -_-' . Nilingon ko sya at tiningnan ng bakit-ba-look. Senenyasan nya kong umurong at saka inginuso yung lalaking bagong dating. Nagsmirk lang ako sa kanya at tsaka umurong na.



"Hi! Anong pangalan mo?" tanong ni Nica.



"Christian Delvallie." sagot nung lalaki sabay tingin kay sir na naguumpisa ng magturo.



"Bat ngayon ka lang pumasok?" tanong ulit ni Nica. Napakulit talaga nitong taong to. Napakadaldal na andami pang tanong.



"Tinamad ako pumasok eh." WOW ha! ang bait na bata nitong kumag na ito.


——Mae's POV


So Christian pala name. Tssss unang tingin ko pa lang sa kanya mukhang problema na ang dala sa akin nito. Tumingin ako sa kanya, gaya ng madalas kong gawin pinagmasdan ko sya. Maaamo ang mga mata nya makapal at mahaba ang taas at babang pilik nito. Para bang pagtiningnan mo sya sa mata may kakaibang mesteryong tinatago sa loob nito. Kasing ganda ng mata nya yung mga mata ni Zayn Malik.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon