CHAPTER 62 (The Surprise)

69 1 0
                                    


Magdadalawang buwan na rin simula ng umalis ako ng pilipinas. Nahanap ko na ang sarili ko pero ang nakakalungkot lang eh hindi pa rin nagpaparamdam si Christian. Walang araw na dumaan na hindi sya sumagi sa isip ko.



Madalas na nakatutok lang ako sa computer at nagsusulat tungkol sa love story naming dalawa. Ang mga nangyari sa amin. Hindi ko nga alam kung anong nangyari sa akin at naisipan kong isulat ang love story namin.



Sa loob ng dalawang buwan ay palipat lipat lang ako ng banasa. Sa Europe, London, New York at ngayon naman ay nasa Paris ako.



Bigla na lang itiniklop ni Yana yung laptop ko para makita ko sya. Nakapout at nakataas ang kilay. Oo nga pala dinalaw nya ako dito sa Paris nakabase na kasi sila Europe.




"Sorry what are you saying ba?" tanong ko.



"Ang sabi ko mukhang nahilig ka na talaga sa pagsusulat. Yung unang libro mo na tungkol sa fashion ay sobrang bumenta sa merkado." ngumiti lang ako sa sinabi nya. "Kaloka ka ngitian lang ba ako. Anyway magayos ka bukas ng gabi dahil yun ang araw ng party ni Misty." saad nya.




"Anong party?" saad ko nagugluhan sa kanya.



"Ewan ko basta itetext na lang kita."




"O'sige." saad ko. Matapos magpaalam ni Yana ay tumuloy na ako sa publishing company kung saan ipapublish ang story ko.



***


"What the F*-#!" nabulalas nya ng mabasa ang last two chapter ng istorya ko. Yung part na lang na yun kasi ang hindi ko pa naipapakita sa kanya.



"Why? What's wrong?" nagaalalang tanong ko sa editor ng publishing company.



"I like the concept but the ending I'm not sure if you ever think of this."



"What? But this should be the ending of the story." saad ko na pilit ipanaglalaban ang dalawang huling chapter ng story namin kung saan hindi kami nagkatuluyan ni Christian dahil nakahanap sya ng iba at ako naman tuluyang nakapag move-on at mas naging sikat sa larangan ng fashion.



"I don't think this is a good ending. I'll give this back to you and maybe something good will be happen tomorrow ." saad nya. "People now a days are hopeless romantic and I don't think so if they will like the ending of your story. I like the way you think and I'm sure this is a true story." saad nya na parang may ipapakahulugan bigla tuloy akong kinabahan. Paano nga kaya kung biglang sumulpot si Christian at sabihing mahal nya pa ako.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon