CHAPTER 63 (EPILOGUE)

126 0 0
                                    

Nagising ako sa mahinang yugyog ng balikat. Marahang idinilat ko ang aking mga mata. Nakatunghay sa uluhan ko si mama. Isang panaginip lang pala ang lahat.


"Oh ano pang hinihintay mo? Tumayo ka na. Malelate na ka na para sa unang pasukan nyo." naupo ako sa aking higaan at inisip ang lahat ng nangyari sa panaginip ko. Parang totoong totoo ang lahat. Hindi ko maiwasang mapaisip. Naalala ko si Trevor wala na ang sakit. Kung dati sa tuwing gigising ako agad akong maiiyak sa pagkakaalala sa kanya ngayon kakaiba ang nararamdaman ko. Para bang natulungan ako ng panaginip ko na magising sa katotohanan.




Agad kong binuksan ang computer at inayos ang kwentong ginagawa ko na matatapos na. Na pangiti ako at itinuloy ang pagsusulat.



I wake up with the scent of fresh flower. Napatingin ako sa tabi ko. Wala na si Kyle isang puting rosas na halatang bagong pitas pa ang nandun nakapatong sa katabi kong unan. Bumukas ang pinto at iniluwa ang lalaking nagpapatibok ng puso ko. Kasal na kami ni Kyle, isang buwan na rin ang nakakalipas at sanay na akong gumigising na wala sya sa tabi ko. Madalas na may puting rosas syang inilalagay sa unan nya para sa akin. Alam nya kung gaano ko kagusto ang puting rosas.



Mahal na mahal ko sya at alam kong ganun din sya sa lahat ng pinagdaanan namin isa lang ang natutunan ko na ang pagmamahal ay hindi madali. Maraming pagkakamali kang magagawa pero ang mahalaga dun eh yung kung paano mo itinama ang lahat. Kung nasaktan ka man ang mahalaga natuto ka. Kung nadapa ka ang importante natuto kang tumayo. Dahil ang lahat ng sakit at pagkakamali ay kasama na sa buhay ng tao at ng taong nagmamahal.



Kung hindi ka naging tanga para sa isang tao hindi ka tunay na nagmamahal. Dahil sa mukha ng pagibig hindi mo makakamit ang tunay na saya kung hindi mo naranasang masaktan at umiyak. Kapag nagmahal ka dapat handa kang masaktan dahil ang pagibig ay isang malaking gyera ng puso at isip mo. Kung saan ka masaya sundin mo ang isinisigaw ng puso mo pero wag mo ring kakalimutan na gamitin ang isip.



END OF STORY! :P




Isinend ko na sa publisher yung kwentong ginagawa ko.


***

Napangiti ako sa pagkakaisip sa itsura ng lalaking minahal ko raw ng sobra at higit kaysa kay Trevor. Masiglang nagayos ako at nagtungo na sa paaralan.



Parang coincidence lang dahil lahat nang nangyari sa panaginip ko nung unang pasukan ay nangyari. Kasabay ko si Nica, nadulas ako pero isang bagay lang ang hinihintay kong mangyari sa kasalukuyan at yun ay ang makatagpo ko ang lalaking nasa panaginip ko. Pero paano kong hindi mangyari madidissapoint na naman ako. Na patungo ako at pinulot ang bola ng basketball na gumulong sa paanan ko.



Tumayo ako para harapin at ibigay sa lalaki yung bola kaso natigilan ako ng makita kung sino ang kaharap ko. Ang lalaki sa panaginip ko.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon