CHAPTER 1 (CLUMSY)

614 2 1
                                    

First day of school kaya heto ko nasa harap ng campus, tinititigan ang malaking karatula ng pangalan ng school ( SELVERADO COLLEGES) at iniisip kung saan ako unang mag-uumpisa para hanapin yung room ng first subject ko. Hindi naman ganun kalakihan itong school na pinag enrolan ko para sa college pero nakakalito pa rin dahil sa dami ng classroom at mga kapwa ko estudyanteng naghahanap ng kanikanilang room. Nagulat ako ng may kumalabit sa balikat ko nilingon ko kung sino man yung kumalabit saken. Nakita ko Princess Nica Garcia, classmate at kaibigan ko nung high school.



Hindi pa nga pala ko nakakapagpakilala. Ako nga pala si Kristine Mae Ashton, 16 years old. 5'0 ang hieght ko, makulit ako at pasaway at wala kong paki sa iniisip nila. I don't believe in happy ending. Bakit ikaw naniniwala ka ba? Sabi nila bitter lang daw ako eh anong magagawa ko kung sadyang manhid na ko.




Maraming hindi magagandang pangyayari sa buhay ko ang nagturo sa akin para maging manhid at mawalan ng pakialam sa iba. Namatay si papa nung nasa grade 5 pa lang ako. Second best ako sa pamilya namin and most of the time ako ang least priority. Bunso ako pero pakiramdam ko akong panganay na laging kailangang umunawa. Maraming tao ang ayaw sa ugali ko but i don't give a damn. The hell I care.




(Back kay Nica) "Oh? dito ka rin mag aaral?" Tanong ko sa kanya habang tumitingin tingin sa palagid at nagbabakasakaling makita ang building number na nakasulat sa form ko.



"Oo, tara sabay na tayong maghanap ng room."



"Ano bang course mo?


"Fashion and Design. Parehas tayo girl, so tara na?"



"Sige, late na tayo sa first subject natin." Isang oras na kaming late sa first subject namin kaya napag pasyahan naming ituloy na lang ang paghahanap sa iba pang classroom namin. Paikot ikot kami. Tanong dito , tanong dun.


Finally were down to the second to the last subject for this day. Nakita na namin yung room na hinahanap namin. Nasa may pangalawang baitang na ako ng hagdan ng dumulas yung isa kung paa sa pagkakaapak sa pangatlong baitang kaya naman tuloyan na akong nadulas at na paupo sa hagdan. Pakiramdam ko slow motion ang bawat pangyayari yung tipong napapanood sa t.v.. Napangiwi ako sa sakit ng tumama kong balakang. ( Pag minamalas ka nga naman oh -_____-' ). May mga iilan ilang nakaupo sa bench na nakakita ng pagbagsak ko. Malapit sa hagdan ay may grupo ng kalalakihang estudyante ang nakaupo isa sa mga bench na saksi rin sa kahihiyang nangyari sa akin. Nagsalita yung isang lalaki. "Okay lang yan Miss, walang nakakita." Mababasa mo sa mata nya ang kapilyohan at pang-aasar.



Tumayo kaagad ako na para bang walang nangyari sabay ngiti na alangin. (Shiiiiiiit!!! Nakakahiya talaga. Nakalimutan kong sabihing may pagka clumsy ako. At siguro iniisip nyo na bakit ako mahihiya eh wala naman akong paki sa ibang tao. Well tao pa rin naman po ako at kahit papaano eh may pakiramdam pa naman ako.) Napatingin ako kay Nica na kulang na lang eh gumulong sa damuhan sa kakatawa. "He-he-he tawa ka pa. Ang saya mo ah?" Sabi ko sa kanya na nakataas ang kilay. Agad na syang umayos ng pagkakatayo ngunit hindi maitago ang pagpipigil nyang matawa.



"Ang tanga kasi nung sapatos gusto pang mauna sa may-ari." Saad nya habang ngingiti ngiti. Ilang minuto na lang second subject na dumiretcho na kami sa room. Marami na ring mga estudyanteng nag aantay sa labas ng room. Maya maya pa ay dumating na yung Professor namin sa Math.



"Good morning class! I'm Mr. Jose your prof. in Math. I was hoping that every each of you participate in the class. I hate those students who's doing something that isn't part of my lecture. And you should prepare yourself because.." Pabitin effect pa si sir.




"Because what sir?" tanong nung nerd kong classmate. Ang pagkakaalam ko galing syang UP Diliman. Sya rin ang pinakamatanda sa klase namin.




"NAGBABAGSAK AKO!" Sagot ni sir. "So kung ayaw nyong bumagasak do what I say and listen to me carefully as I was in front teaching you guys."



Mukhang mapipilitan akong makinig sa math kahit na ito ang pinaka ayaw kong subject. So dahil umpisa nga ng klase lahat magpapakilala sa unahan. So here I am. "Hi! I'm Kristine Mae Ashton, I'm 16 years old. My hobbies are writing and reading."



Yung nasakaliwa ko naman ang nagpakilala. "My name is Joana Marie Singson. I'm 16, I love reading and drawing blah blah blah hindi na ko nakikinig naboboring na kasi ako. Titingin sa relo ko na mumurahin tapos titingin sa taong nagpapakilala sa harap. Hindi ko alam kung ilang beses na kong tumitingin sa orasan sa bisig ko. Tumingin ulit ako sa orasan 10 seconds bago bago 12:00 noon. I start counting inside of my head 1...2...3...4...5...6...7...8...9...time's up.



Lunch time ang daming tao sa cafeteria. Minabuti namin ni Nica na sa labas na kumain kasama namin yung iba naming kaklase. Ilang subject pa ang pinasukan ko puro introduction lang naman ang ginagawa.



So finally heto uwian na. Sabay na kaming umuwi ni Nica nag abang na kami ng jeep na masasakyan pauwi. Ilan sa mga kaklase namin ay nakasabay naming umuwi madadaanan din kasi ng jeep na sinasakyan namin yung bahay nila.



Pagdating ko ng bahay dumiretcho agad ako sa kwarto para magbihis ng pambahay. Nakita ko na naman yung mukha ng ate ko. Hay panira ng araw! Hindi ko alam kung bakit laging mainit ulo nya sa akin. We use to be best buds pero simula ng maksidente sya naging mainitin ang ulo nya sa akin. Lahat ng gawin ko lagi nyang napupuna.



***


Naglalakad ako ng may tumawag sa aking pamilyar na boses nilingon ko kung saan nanggagaling ang boses. Nakita ko si Shane na kumakaway sa akin, sinesenyasan nya akong lumapit sa kanya. May kasama syang magandang babae na balingkinitan ang katawan may pagka singkit at maputi. "Kaklase mo sya Mae. Isama mo na lang sya hindi nya pa kasi alam schedule nyo." pagpapaliwanag ni Shane dati kong classmate.


Pumasok na ako sa room kasama si Princess Jasmine may iilan ilan ng tao dun.Pinakilala ko sya kay Nica , tamihimik lang akong umupo sa isang tabi. Ilang minuto pa at padami na ng padami ang dumadating sa room. Gwapo yung prof. namin sa Filipino kaya naman maririnig mo iba't ibang papuri at pagnanasa ng mga kaklase ko. Maraming lalaki ang nakaokupado ng upuan sa harap hindi naman namin sila ka major.


"Civil Technology sila ka black section nyo".









FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon