CHAPTER 36 (Betrayal)

47 1 0
                                    

 Philippines


Hawak ko yung CD na binigay ni Pj sa akin isang linggo ang nakakaraan. Pinagiisipan ko pa kung papanuorin ko o hindi.


"Hey!" bati ni Loraine na tuloy tuloy sa pagpasok sa kwarto ko. "Ano yan?" tanong nya sa akin sabay hablot ng CD sa kamay ko.


"Don't you know how to knock?!" galit na tanong ko.


"I'm....... I'm sorry." nakayukong saad nya na halatang na gulat sa inasal ko.


"Get out of my room!" dagdag ko.


"What?" tanong nya.


"You hear me right?" sagot ko.


"I said I'm sorry okay." sagot nya sabay yakap sa akin.


"Loraine I'm not in the mood so please do what I say." saad ko. Nagsimula na syang umiyak at magtuntrums na parang bata. Naisip ko tuloy si Mae nung pinipilit akong magtutore sa kanya.


Kumatok si mama sa pinto ko. "Christian anong nangyayari jan? Bakit umiiyak si Loraine?" tanong nya.


Agad namang binuksan ni Loraine yung pinto at nagsumbong. 


"Kinuha ko lang naman po yung CD sa kanya nagalit na sya." umiiyak na sumbong nya.


Bago pa man magsalita si mama ay ibinagsak ko na yung pinto at inilock. Naisipan ko ng isalang yung CD sa laptop ko.


Si Mae ang nasa video.


"Hoy panget!" umpisa nya sabay tawa.


"Kung pinapanood mo to ngayon malamang nakaalis na ako ng bansa." malungkot na dagdag nya.


"Hindi na ako nagpaalam kasi ayokong makitang malungkot ka. Kung malulungkot ka nga."


"Malulungkot ka ba?" Pabirong tanong nya. 


"Oo naman mahal kita eh." parang baliw na saad ko kahit alam kong hindi nya ako maririnig.


"Sorry kung hindi ako nagpaalam malulungkot lang ako lalo. Isa pa anjan naman si Loraine. Alam kong aalagaan ka nya. Mahal ka nun eh, nakikita ko sa mga mata nya. At alam ko namang mahal mo rin sya kaya sana wag ka ng magalit."


"Christian!" saad nya.


"Hay paano ko ba'to sasabihin...... I love you. Ayieeeeeeeeeeeh kinikilig yan."


"Kahit kelan baliw ka talaga." hay nasisiraan na nga ata ako ng ulo dahil knakikipag usap ako sa tv.



"Mahal kita matagal na kaya lang ang hirap kasing umasa na mamahalin mo rin ako kaya naisipan kong lumayo na lang. Ayoko na kasing masaktan pa. Ang hirap mo  palang mahalin andami mo kasing itinatago sa akin. Lagi kang may baong surprise but in the end nasasaktan lang ako. Kahit anong iwas ko ayaw kang tantanan ng puso ko. Hindi ko alam kong anong drugs pinainom mo sa akin at sa lahat ng gawin ko ay ikaw ang nasa isip ko."

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon