CHAPTER 8 (Tutorial)

56 2 0
                                    

"Aray! Balak mo bang imurder yung kuko ko?" tanong ni Pj na nakangiwi.


"Shhh wag kang maingay bawas point yan kay ma'am." utos ko sa kanya.


"Eh paano ba naman laman na ata yang ginugupit mo at hindi ingrown ko."


"Sorry na nga. Hindi ko naman sinasadya." sagot ko sa kanya na akala mo galit.


"So ikaw pa galit ikaw na nga nakasakit?" tanong nya sa akin.


"Mukha ba akong galit?" ngumiti ako sa kanya tapos itinuro yung mukha ko. "Hindi ka pa nasanay sa tono ng pananalita ko."


Lumapit yung prof. namin at nagtanong "Bakit anong nangyari?"


"Ay wala ma'am." sagot ko sa kanya sabay siko kay Pj. "Diba?"


"Opo ma'am." sumimangot si Pj pagkatalikod ni ma'am.


Kami yung huling nakatapos mag linis at mag nail polish dahil mabagal ako.


***

Nagbybrate yung cellphone ko. Kinuha ko sa bulsa ko at binasa kong sino nagtxt.


Si Christian pala "Pumunta ka dito sa field!" makautos naman to wagas.


"Pj alis muna ko." paalam ko sa kanya.


"Ha? Bakit? Saan ka naman pupunta?" tanong nya sa akin na nakakunot ang noo.


"Jan lang may gagawin ako. Sabay ka na lang kila Ajhay." sagot ko sa kanya sabay takbo para hindi na sya magtanong.


Hinanap ko si Christian sa field. Ang tarantado wala naman dun nakita ko sya sa sulok kung saan nakalagay ang mga plant box.


Pinagmasdan ko sya habang papalapit ako. May hawak syang libro habang naka indian sit. Kung hindi lang siguro ako nasaktan ng sobra maaaring magustuhan ko ang kumag na to.


"Sabi mo sa field eh bakit andito ka sa plantbox?" saad ko habang papalapit sa kanya. Tumingin naman sya sa akin at ngumiti.


"Tanga ka ba? Try mo kayang doon magaral ng tamaan ka ng bola ng volleyball." sagot nya sa sinabi ko tapos tinapik yung tabi nya at senenyasan akong umupo dun. Aray! Ang sakit magsalit ah. Kung hindi lang to kapakipakinabang sa akin sinapak ko na to.


Umupo naman ako. Masunurin akong bata eh. "Anong topic?" tanong ko. Imbes na sumagot binigay nya lang yung yellowpad nya sakin na may sulat ng formula at tsaka mga sasagutan.


"Ano to?" tanong ko sa kanya.


"Papel. Ano ba sa tingin mo?" pilosopo nyang sagot tapos tumalikod na at pumunta sa kanang side ng field kung saan may dalawang basketball rings. May laro ata sila.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon