26.1 (Heart Break)

53 2 0
                                    

Mae POV



May problema kami sa bahay. Pero mas nahihirapan akong tanggaping aalis si Christian at iiwan ako. Ang akala ko yun lang ang pinaka masakit pero hindi pala.




"Christian andito ka lang pala kanina pa kita hinahanap." anang babae na maputi, bilugan ang mukha, may pagkatsinita, mahaba ang buhok, balingkinitan ang katawan at mas matangkad sa akin ng ilang pulgada.




Mukha naman syang freindly pero hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanya.




"Hi! I'm Loraine girlfriend ni Christian and you are?" saad nya na inabot ang kamay sa akin.




Sino nga ba ako sa buhay ni Christian? I am nothing, I am his friend, his classmate. I feel like everything is falling apart. So hindi lang pala ang pagalis nya ang tinago nya sa akin all this time niloko nya rin pala ako tungkol sa istado nya. Ang sabi nya wala syang girlfriend.




"I'm Kristine Mae, Christian's friend." sagot ko na pinipigilang pumiyok at inabot ang kamay nya.




"Nice to meet you." saad nya na nakangiti.




"Maiwan ko na kayo ah." saad ko at tumayo na at iniwan sila. Kasabay ng paghakbang ko ay ang pagpatak ng luha ko. Gusto kong sumigaw, magwala. Ginago nya ako eh.





"Mae!" sigaw ni Christian. Itinaas ko lang ang kamay ko at nagwave na nakatalikod at patuloy na umiiyak. Last subject naman na kaya pinasya kong umuwi na.




Pumunta ako sa bahay nila Yana.





"Oh yam!" gulat na saad nya ng mabuksan ako ng pinto. Agad akong yumakap sa kanya at napabulalas ng iyak. Pinakawalan ko yung luha ko na kanina ko pa pinipigil sa jeep.





"Sinungaling sya Yana. Napakasinungaling nya." saad ko sa pagitan ng pagiyak.



FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon