CHAPTER 44 (Reminiscing)

41 1 0
                                    

Nasa NAIA na kami, inihatid ako nila Jake at ang pamilya ko. Nagusap na kaami ni Jake mauuna na akong bumalik ng Boston para asikasuhin ang mga activies na sinalihan ko. Ang totoo gusto ko munang mapagisa at magsip. Three years bago ako babalik muli sa pilipinas and hopefully sa muling pagkikita namin ni Christian ay wala na ang sakit o kahit anong nararamdaman ko para sa kanya.


Mahal ko si Christian hanggang ngayon at hindi ko itatanggi yun pero isang taon na rin halos ang nakakalipas at kailangan ko na syang kalimutan. Nagbago na sya, dapat ganun na rin ako.


"Magiingat ka anak ha." paalala ni mama pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.


"Oo naman ma." sagot ko.


"Sigurado ka ba na okay ka lang?" tanong ni Jake.


"Yeah."


"Sasama na kami ni Nica kung gusto mo." saad nya.


"Okay lang ako. Sulutin mo na lang ang natitirang ilang araw na bakasyon nyo dito sa pilipinas. Ipasyal mo si Nica, magbonding kayo dahil pagbalik mo sa Boston wala ka na namang time para sa kanya. Busy ka na naman sa trabaho at pagaaral mo."


"Yes ma'am!" pabirong saad nya at sumaludo pa.


"Baliw ka talaga."


"Bye ma." saad ko at bumaling kay mama.


Isang huling tingin sa paligid bago ko tuluyang napagpasyahang tumalikod na.


When I finally step to plane I know there's no coming back now. I will do everything to forget him and love Jake as much as possible.


----Christian POV


"Ano bang ginagawa mo sa buhay mo Christian?" saad ni mama na galit na galit sa akin. Nakita nya kasi ang nagkalat na bote ng alak sa sahig ko. "Ilang araw ka ng ganyan, lagi ka na lang nasa kwarto. Nagmumukmok, ni hindi ka na nga halos kumakain. May problema ka ba?" tanong ni mama na nagaalala.


"Wala po. Iwan nyo na ako gusto kong matulog." saad ko at dumapa na sa kama pagkatapos ay hinatak ang kumot patalukbong sa akin.


Narinig ko pa ang pagbuntong hininga ni mama bago lumabas ng pinto ng kwarto ko. Tinggal ko ang pagkakatalukbong ng kumot sa mukha ko ng marinig kong wala na si mama. Ano na nga bang ginagawa ko sa sarili ko. Ilang araw na akong inom ng inom na kung tutuusin eh hindi naman talaga ako nagiinom.


Pumasok na naman sa isip ko ang maamong mukha ni Mae. Ang maraming tanong at sari-saring emosyon na nakapaloob sa mga mata nya.


"Hay mababaliw na ata ako.!!!!!!!!" sigaw ko. Tiningnan ko ang sarili ko sa salamin. Nanlalalim ang mga mata ko na tila babagsak ano mang oras. Bahagyang pumayat ang katawan ko, napakalaki na ng eye bug ko dahil sa ilang araw na walang maaayos na tulog.


Kahit anong galit ang nararamdaman ko mahal ko pa rin sya. Sinasabi nya na nagsisinungaling ako pero bakit sya ata ang nagbago at hindi tumupad sa pangako. Ibinato ko ang bote na hawak ko sa pader.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon