CHAPTER 25 (#Hiking)

63 1 0
                                    

Iniisa isa na kaming magkakaibigan na piliin ng iba't ibang tumatayong grupo. Parehas kami ni Christian na nakataas ang kamay para magvolunteer bilang leader. Sa kasamaang palad sya ang tinawag at di ako.



Alam kong hindi nya ako isasali sa grupo nya dahil na rin sa hindi kami nagkikibuan kapag nasa room which I don't know why. Naguusap naman kami pero hindi katulad kapag kami lang dalawa.





"Ashton!" napataas yung ulo ko mula sa pagkakayuko ng marinig ko yung apelyido ko na tinawag.



"Ayieeeeeeeeeeeeeeh!!!!!!!!!!" pangaasar ng mga kaklase ko sa amin.




"Miss Ashton tayo na ano panginaantay mo?" saad ni ma'am.




"Opo ma'am." sagot ko at tumayo na.




Binigyan kami ni ma'am topic na ididiscuss. Napakapormal ni Christian talagang ginampanan nya yung pagiging leader. Pakiramdam ko tuloy ibang tao yung kaharap ko.




"Sama ka ah." sigaw ni Pham sa akin ng makalabas na ako ng class room. Sabi ko kasi pagiisipan ko pa kung sasama ako sa pagakyat ng bundok.





Bukas na daw yun, gusto kong sumama hindi dahil kasama si Christian kundi dahil pangarap ko talagang maghiking, libutin ang mundo. Gustong gusto ko kasi ng adventure pero kahit yun yung dahilan ko sa huli alam kong si Christian pa rin ang lalabas na dahilan kung bakit ako sumama.



***



"Aalis na ako ate." paalam ko.



"Saan ka pupunta?" tanong ni ate.



"May praktis kami." pagsisinungaling ko alam ko kasing hindi ako papayagan.




"Ano yun wala na kayong pahinga? Halos sabado't linggo ganyan ka." hindi ko na sya pinansin basta lumabas na ako baka kung saan na naman mapunta yung usapan namin.




Madami na akong mga kaklaseng nagaantay sa park para pumunta kila kuya Kris. Sa kanila kasi kami maghahiking. Agad kong kinuha yung phone ko pagkatapos ay naggm.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon