CHAPTER 38 (Shout out!)

49 2 0
                                    

MAE POV


Hanggang ngayon hindi pa rin ako makapagmove on sa ginawa ni Yana. Sa tuwing maaalala ko ang mga pinagsasabi nya ay natatawa ako. Iniwan na nila ako sa dito sa kwarto ko. Nakaupo ako ngayon sa may veranda ko at nakaupo dun sa may mini duyan na nakalagay.


Nakapatong sa mga hita ko ang laptop ko. Nagdadalawang isip ako kung papanuorin ko itong CD na padala ni Christian. Naalala ko kasi ang sabi ni Yana sa akin.


'Kung hindi mo ilelet go ang lahat ng nararamdaman mo at mga bagay na nagpapaalala sa kanya hindi ka makakapagmove on.'



Tama naman sya pero paano kung magandang balita ito.


'Pero paano rin kung masasaktan ka lang?' balik tanong ng isip ko.



Hay bahala na nga! Kung masaktan man ako okay lang atleast hindi ako mamamatay sa pagiisip ng what if binuksan ko ito at pinanuod ko.


Isinalang ko na yung CD. Napasimangot ako ng bumungad kaagad ang litrato nila ni Loraine. Sweet pictures, may mga picture na magkaholding hands sila, magkayakap, buhat si Loraine ni Christian. Yung iba bagong kuha lang katulad ng yakap ni Christian si Loraine mula sa likod nito. Patuloy yung slide show habang may kanta sa background.


Yung boses ng kumakanta ay para bang pamilyar sa akin. Ilang sigundo pa ay video naman ni Christian na kumakanta at tumutugtog ng gitara habang nakangiti kay Loraine. After ng video ay may mga salitang lumabas.


"Thank you for making me happy Mae.  You show me what true love is, I am now happy with Loraine I hope you find your own happiness there. I wish you all the best. I am here for you as your BESTFRIEND"


Pagkatapos ng mensaheng yun ay ang ilang second na video ni Christian habang nagpa flying kiss. Awtomatikong tumulo ang mga luha sa mga mata ko. Nakaramdam ako ng kakaibang galit at poot para kay Christian. So he lied to Nikki when he said that they were already separated.


"I HATE HIM!" saad ko. Pumasok ako sa kwarto ko at nanginginig ang mga kamay na ipinatong sa upuan ang laptop ko. Tuluyan na akong napaupo sa sahig habang patuloy ang paglandas ng luha sa mga mata ko. How stupid I am for believing that he will do his promise.


"I HAAAAAAAAAAATE HIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIIM!!!!!!!!!" sigaw ko sabay bato ng flower vase sa salamin.


"Mae!" saad ni Jake mula sa labas ng pinto kasabay ng pagkatok nya.


"Why?" sagot ko na pilit pinipigil ang pagbasag ng boses.


"Are you okay?" nagaalalang tanong nya.


"Yeah!" sigaw ko. Ang akala ko umalis na sya kaya naman nagpatuloy ulit ang pagbagsak ng luha ko kasabay ng pagsilakbo ng galit ko. Isang vase ulit ang binato ko. Ni hindi ko naisip na nakikitira lang ako. Na wala ata lahat ng magandang asal na itinuro sa akin ng magulang ko. Basta sobrang galit at sakit lang ang nararamdaman ko.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon