CHAPTER 39 (Fight)

50 1 0
                                    

Jake POV


Matapos patulogan ni Yana ang higaan ko heto ako ngayon puno ng pantal sa katawan at bahin ng bahin. That girl is really getting into my nerve. Kinuha nya rin sa kompyuter ko yung mga picture ko na nakakatawa pagkatapos ay inedit nya.


"Hey!" agaw pansin ni Mae sa akin na mukhang bagong gising lang. Nagulat siguro sya dahil na una akong magising. Well sino ba naman ang makakatulog ng maayos kung ang higaan mo ay sofa lang pagkatapos kalahati lang ng katawan mo ang kasya.


Napakulit pa nung pusa ni Yana dahil sumasampa sa akin kaya heto ang kinalabasan puro pantal ako.


"Bakit ang aga mo magising may pupuntahan ka ba?" tanong nya sa akin.


"Ah wala." sagot ko na abala sa paghihiwa ng mga isasahog sa almusal. Nagulat ako ng hawakan ni Mae ang kamay ko. "Anong ginagawa mo?" gulat na tanong ko.


"Ano pa eh di tinitingnan yung pantal mo. Saan mo ba to nakuha?" tanong nya na nakakunot ang noo.



"Sa alikabok siguro." pagsisinungaling ko.


"Sigurado ka?" hindi na niniwalang tanong nya.



"Oo naman." nakangiting sagot ko.


"So allergy ka sa alikabok?" tanong nya. Tango lang ang isinagot ko.



"Saan ka pupunta?" tanong ko ng makitang paakyat sya ng hagdan.


"Kay Nica." maikling sagot nya.


"Ah hindi pwede." saad ko pero parang walang narinig na tumuloy sya sa pagpasok.


"Aaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaahhhhhhhh!!!!!" narinig kong sigaw ni Mae sa kwarto ko agad akong pumasok sa kwarto ko.


"Bakit?" nagaalalang tanong ko.


"This so cute." saad nya sabay lapit sa akin ng pusa awtomatiko naman kaagad ang pagbahin ko.



"Achoooooooooo!"


"Bless you" nakangiting saad nya. Pagkatapos ay biglang napakunot ang noo nya. "Aha allergic ka sa pusa." saad nya.


"Oo eh." sagot ko sabay  kamot sa ulo.


"Eh kaninong pusa to kung ganun?" tanong nya.


"Kay Yana." sagot ko.


"Eh bakit nandito?"


"Natalo kasi ako sa pustahan namin at hiniling nyang dito muna matulog sa kama ko habang hindi pa naaayos yung higaan nyang pusa na yan." sagot ko sabay bahin ulit.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon