CHAPTER 35 (Hurt)

51 1 0
                                    

-------MAE POV


Nakatingin lang ako sa keyboard ng laptop ko hindi ko kasi alam kong anong una kong itatanong kay Pj. Katatapos ko lang magskype kila mama kay naman na isipan kong pumunta sa page namin sa facebook pero halos isang oras na akong nakaupo at nakatingin sa screen at keyboard ng laptop ko ay wala pa rin akong na isusulat.


Ilang minuto pa ay naisipan ko na munang kamustahin sila.  Mag iisang linggo na rin ako dito. Medyo na sanay na ako sa environment. 


"Hi! Musta?" 


Ilang minuto pa ay nagrequest ng skype si Pj.


"Hi!!!!!!!!! Kamusta! Na mimiss ka na namin." excited na saad ni Pj.


"Okay lang medyo sanay na dito. Nangangapapa ako sa pakikipagusap sa mga tao sa paligid ko." sagot ko. 


"Kaya mo yan matalino ka naman." pangaasar nya.


"Tsk! Matalino daw."


"Ayaw pa maniwala choosy pa te?" 


"Ewan ko sayo! Anyway naibigay mo ba yung cd kay Christian?" tanong ko. Bigla akong kinabahan ng magbago ang ekspresyon ng mukha nya.


"Bakit?" nagtatakang tanong ko. Bigla kasi syang na lungkot na may halong inis.


"Oo naman. Ang kaso hindi ko alam kong papanuorin nya ba yun. Nakakainis nga kasi kasama nya yung Loraine parang ahas kung makapulupot kay Christian."


Nakaramdam ako ng lungkot at galit para kay Christian. Nalulungkot ako kasi umaasa pa rin ako kay Christian at niniwala ako sa pangako nya kahit na alam kong hindi naman talaga nya tutuparin. At naiinis ako kasi kahit anong gawin ko, kahit sobrang nasasaktan na ako mahal ko pa rin sya.


Pilit kong itinago sa ngiti ang nararamdaman ko. "Ganun ba? Eh di masaya na sila wala na ako. Panggulo ako sa relasyon nila eh." saad ko.


"Best naman maraming mas higit sa kanya na deserving ng love na nasa puso mo. Kalimutan mo na sya." saad nya.


"Dapat nga siguro wag na akong umasa na mamahalin nya rin ako. Nakakainis kasi sya bakit sa tuwing kasama ko sya lagi nyang pinaparamdam na espesyal ako sa kanya." Sana nga ganun kadaling kalimutan sya.


"Anong ginagawa nila nung nakita mo silang magkasama?" tanong ko. 


"Kasama nila yung pamilya ni Christian. Para ngang one big happy family sila. Tapos nakita kong hinatak ni Loraine si Christian papunta sa department store. Nanuod ng sine, at kung anu ano pang kaganapan na ginagawa ng magjowa." nakasimangot na sagot nya. Alam kong napipilitan lang sya na magkwento dahil noon pa man ay gusto nya ng iwasan ko si Christian. Masasaktan lang daw ako.


Bakit ko pa ba kasi tinanong lalo lang akong nasaktan. Tinotorture ko lang yung sarili ko. Alam kong ilang minuto lang hindi ko na mapipigilan at babagsak na ang mga luha sa mata ko kaya naman nagpaalam na ako kay Pj.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon