CHAPTER 56 (Getting back together)

59 1 0
                                    

Jake POV


Matapos yung insedenteng pagkakakulong ni Yana sa loob ng atic ay mas naging close kami. Bumalik na yung pagiging makulit nya sa akin. Nung bumalik sya dito ng pilipinas parang kaming istranghero sa isa't isa ni hindi nya ako kinakausap ng maayos. Kung kausapin nya man ako napakapormal at laging tungkol kay Mae or sa business.




May kakaibang saya syang dulot sa akin sa tuwing kasama ko sya. May mga bagay na sya lang ang nakakapagparamdam sa akin. Masayang masaya ako na nagkaayos na kami kahit na medyo naguguluhan ako sa nararamdaman ay wala akong alinlangan na pakasalan si Mae as long as na hindi rin sya bumibitaw.





Nakangiting lumapit ako kay Mae. "Babe labas naman tayo oh." pagaaya ko.




"Saan naman tayo pupunta?" tanong nya sa akin. Naupo ako sa tabi nya at patalikod na niyakap sya.




"Na mimiss ka na kasi ni Nica kaya gusto ko sanang lumabas muna tayong tatlo. A family bonding." sagot ko.




"Oh sige ba. Sa Star City gusto mo?"




"I am much thinking about Enchanted Kingdom." saad ko.




"Yeah sure, magpapalit lang ako." saad nya at tumayo na.



***


Nagpunta nga kami ng Enchanted Kingdom at nagulat ako ng makita ko sila Christian at ang pamilya nito. Wala namang imik si Mae, ngumiti ako at binati si Christian.




"Hi! Andito rin pala kayo."



"Oo humiling kasi yung anak ko." saad nito. Napansin kong matamang tinititigan ni Mae yung anak ni Christian nang mapansin nyang nakatingin ako ay umiwas sya ng tingin. Nakita ko ring nagkatinginan sila ni Christian.




"Mommy I want cotton candy." pahayag ni Nica sabay marahang hinila ang kamay ni Mae.




"Yeah sure sweety, come let's go buy." saad ni Mae at isinama na ito palayo sa amin.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon