CHAPTER 61 (Fake Wedding)

58 1 0
                                    

Mae Pov


Ilang araw matapos mailibing si Loraine ay muli akong pinatawag ng Attorney nya.



Nakaupo kami sa sala habang nagaantay ng sasabihin nya. Magkatapat kami ni Christian habang ang pamilya naman ni Loraine ay katabi ni Christian.



"Attorney pwede po bang simulan nyo na." saad ko.



"Sandali lang Ms. Ashton." saad ni Attorney. "Okay, ayun sa last will ni Loraine ay ipinagbibilin nya ang anak nya sa iyo Ms. Ashton. Ang sabi nya nakasulat daw sa diary na binigay nya sayo ang gagawin mo sa anak nya."




"Aba hindi naman ata kami makakapayag nyan!!" galit na saad ng mama ni Loraine.




"Huminahon ho tayo." pagpapakalma ni Attorney.  "May savings account naman ho ang anak nya pero dahil join property ang ang lahat ng ari-arian nyo Mr. Delvallie ay may ginawa syang kasunduan. Makukuha mo lang ang mga papeles kung pakakasalan mo si Ms. Ashton. Binibigyan lang kayo ng palugit na isang linggo simula ngayon."




"What?!!! This is insane!" saad ni Christian. Nakatingin lang ako sa kanya at walang reaksyon.



"Sandali lang Mr. Delvallie meron pang kasunod. Kapag lumagpas ng kahit isang araw lang at hindi pa kayo kasal ay mapupunta lahat sa donation sa simbahan ang lahat ng ari-arian nyo."





Tahimik lang ako na nakikinig. Nakatingin sya sa akin na parang nakikiusap pero hindi ko sya pinansin. Matapos na masabi ng attorney at maibigay yung CD ay tumayo na ako at lumabas ng kabahayan.





****


Nakakawindang ang mga pinaguutos ni Loraine pero mukhang mas mababaliw ata ako sa konsumesyon kay Christian. Hindi kasi ako pumayag na pakasalan sya at tatlong araw na lang ang natitira sa palugit nya.




Laging may White roses na ipinapadala sya. Chocolate o di kayay Malaking teddy bear. Pero ngayon mas mukhang desperado sya dahil talagang pinuntahan nya na ako sa opis ko.




"Busy ako kaya pwede ba tigilan mo ako." saad ko na hindi inaangat ang ulo mula sa pagiesketch.



"Please Mae. Kahit tatlong buwan lang hanggang sa makuha ko yung lahat ng kayamanan ko. Tatlong buwan lang naman ang hinihingi ko kung hindi mo na talaga kayang makasama ako sige iwan mo ako pero please naman tulungan mo ako." nagmamakaawang saad nya.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon