CHAPTER 42 (Take a Chance)

42 1 0
                                    

Birthday ngayon ni Yana and it is also the first time na hindi ko makakasama ang pamilya ko  ngayong new year.


"HAPPY BIRTHDAY TO YOU...... HAPPY BIRTHDAY...HAPPY BIRTHDAY......... HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!!!!!!!!" sabay sabay na kanta naming apat nila Jake.


Namimiss ko na ang pamilya ko pero wala naman akong maaga dahil ang balik ko sa pinas ay four years from now pa. Umaga namin cinelebrate yung birthday ni Yana. Dun kami sa may malapit sa pool.



Nakaupo ako sa gilid ng pool at yakap yakap sa kandungan si Nica at masayang pinapanood ang paghaharutan ni Yana at Jake. Mukhang nagkakatuwaan sila. Nakaakbay si Jake kay Yana at yung kamao nyan ay nakapatong sa ulo nito at pinapaikot ikot nya.



Tumayo ako para lumapit sa kanila. Nagsimula na rin si Jake at Yana na mag punasan ng icing ng cake.


"Para kayong mga bata tigilan nyo nga yan." sita ko sa kanila.


"Ah para palang bata ah!" sabay na saad ni Yana at Jake pagkatapos ay lumapit sila sa akin at pareho nila akong pinunasan ng icing sa mukha.



"Ah ganun ah!" sigaw ko ng tumakbo sila sa akin. Kumuha ako ng cake at pinagbabato silang dalawa. Lahat kami ay puno ng icing sa mukha pati na rin yung mga damit. Paikot kami sa gilid ng pool hanggang sa maubos na yung cake. Pagkatapos ay naligo kami dun sa shower sa labas para sa pool. Inuna ko muna si Nica na nakipagsabayan din sa habulan at batuhan namin.



"Mommy do you love daddy?" tanong nya na ikinagulat ko. Nandun pa naman si Jake sa tabi ko.


"Ha?"


"I said if you love daddy." ulit nya.


"Of course. He's a good friend of mine eh." sagot ko.


"But daddy loves you so much and I want you to be my mom."


"I am your mom and even if your dad loves me it's not enough reason to marry him. You can still treat me like your own mom." paliwanag ko.


"But.."


"Nica that's enough!" pigil ni Jake.


"I hate you daddy!" sigaw ni Nica sabay takbo kay Misty.


"Nica!!!!!" sigaw ko pero tuloy tuloy lang ang bata. "Bakit mo naman sya sinigawan?"


Imbes na sagutin ako ay tinalikuran lang nya ako. "Kinakausap kita Jake wag mo kong tinatalikuran."



"What do you want me to say? Please Mae wag kang mangailam sa pagpapalaki ko sa anak ko." saad nya at iniwan na ako.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon