CHAPTER 54 (Ferriswheel)

41 1 0
                                    

Christian POV


Naguiguilty ako sa mga sinabi ko kay Mae alam kong mali ang ginawa ko. Alam kong galit pa rin sya sa akin. Ilang araw na kaming magkatrabaho, madalang kung pumunta sa site si Jake. Madalas na nasa burol sya, kapag magkausap naman kami napak pormal nya. Parang hindi kami magkakilala, yun bang amo ko sya at ako dakilang tagasunod nya lang.




Sa tuwing magtatangka akong kausapin o lapitan sya ay agad naman syang umiiwas. Kaya heto ako ngayon papuntang burol, parang may sariling isip ang mga paa ko.




Nakahiga sya sa blanket na nakalatag sa damuhan. Nakapikit ang mata nya para bang ninanamnam nya ang sandali. Malaya kong napagmamasdan ang mukha nya. Mas lalo syang gumanda sa paglipas ng panahon. Her curves was perfectly in their right place. Mamula mula ang morena nyang balat. Hindi ako magtataka kung bakit ako nainlove sa isang tulad nya. Hindi naman kasi mahirap mahalin ang tulad nya.




Nagawi ang tingin ko sa mga labi nyang mamula mula, I want to kiss her like I used to. I miss her sweet and soft lips that pressed against mine. Nagulat pa ako ng magsalita sya.




"You know it's rude to stare at people." saad nya at idinilat ang mata pagkatapos ay naupo.




"Sorry." saad ko.




"Sorry for what?" tanong nya na hindi tumitingin sa akin.




"Sorry dun sa mga nasabi ko sayo nung nakaraan. Sorry rin ngayon." sincere na saad ko.




"Don't worry about it. I easily forgive people even those people who cause me so much pain." saad nya na parang may gustong iparating.




"Gusto ko sanang bumawi." saad ko dahilan para matamang tingnan nya ako. "Masyado mong isinusubsob ang sarili mo sa trabaho. Come, I'll bring you somewhere." saad ko.




"No, it's okay I have lots of works to do." saad nya at kinuha ang sketchpad pagkatapos ay nagsimulang magdesign.





Kinuha ko sa kamay nya yung skecthpad at hinila sya patayo. "Come on." saad ko.



FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon