CHAPTER 22 (Sickness)

86 1 0
                                    

Hindi kasya yung allowance na binibigay ni mama kaya naman nagapply ako sa clinic ng school para for student assistance. Hindi ko naman akalaing gagawin pala ako katulong.




Pangatlong araw ko na simula ng pumasok ako dito so far wala naman akong problema maliban sa pagtatago ko kay Christian. Hindi ko alam kong bakit ako nahihiya. Pero kapag minamalas ka nga naman nagkasakit pa si Jaymar isa sa civil na kaklase ko.




"Mae anong ginagawa mo dito?" tanong nya sa akin.





"Ha? Ahh masakit yung ulo ko." pagdadahilan ko.





"Mae palinis naman nung kwarto ko." utos ni doctora sa akin. Napakamot ako sa ulo ng ngumiti ng nakakaloko si Jaymar sa akin.





Pumasok na ako sa kwarto ni doktora at nagumpisang maglinis. Palabas na ako ng marinig ko ang pamilyar na boses.




"Ano okay ka na?"





Dahan dahan akong sumilip sa kurtina. Si Christian nga. Patagilid akong lumabas para hindi nya ako mapansin.







"Miss san yun log book nyo? Aalis na kasi yung kaibigan ko."



Oh no!








Lumapit ako dun sa may drawer at kinuha yung log book at nakayukong inabot sa kanya.





"Mae?" tanong nya sa akin.





"Hin——-Nagkita na pala kayo." sabat ni Jaymar na pinutol ang pagsasalita ko. Ngumiti ako ngalanganin kay Christian pagkatapos ay inambahan ng suntok si Jay mar ng tumalikod si Cristian.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon