CHAPTER 45 (Signs)

55 1 0
                                    

Yana POV

"Yam paano mo ba malalaman na inlove ka?" tanong ko sa kanya habang kumakain ng ice cream sa ice cream parlor.


"Simple lang kapag tumikbo ng sobrang bilis yung puso mo na para bang gusto na nyang lumabas. Yung kapag tumitingin ka sya kanya parang ngayon mo lang sya nakita. Yung ngiti nya na hindi mabura bura sa isip mo. Kapag kasama mo sya humihinto ang oras, parang may mga paru paro sa tyan mo at higit sa lahat kapag bigla kang sininok pagkakita mo sa kanya.


"Ganun ba yun? Ang corny naman." saad ko.


"Corny mo mukha mo palibhasa hindi ka pa naiinlove o baka naman inlove ka na." pangiinis nya.


Bigla akong na paisip sa sinabi nya. Bakit halos lahat yun parang nangyari na maliban sa sinok so ibig sabihin hindi pa ako in love.


***


Parehas kaming nasa lanai ni Jake at may hawak na laptop. Hindi ko alam kong anong meron sa akin at hindi ako mapakali.


Titingin ako sa kanya pagkatapos ay babalik ang tingin sa screen ng laptop ko kapag tumingin din sya sa akin. Paulit ulit lang na ganun yung  sitwasyon namin ngayon. Tumayo sya at lumapit sa akin tapos ay tiningnan yung ginagawa ko.


"May problema ka ba bro?" tanong nya.


"Ha?" wala sa loob na sagot ko.


"Ang sabi ko may problema ka ba?" tanong nya ulit.


"Oo ikaw!" wala sa sariling sagot ko.


"Ha?" nakakunot noong tanong nya.


"Ay este wala. May iniisip lang ako dun ka na." saad ko at itinulak sya palayo sa akin.


"Ewan ko sayo na papraning ka na naman." saad nya.  "Kamusta nga pala kayo ni Nathan?" saad nya pagkaraan ng ilang minuto.


"Nathan?" wala sa sariling saad ko. "Nathan.......Oh shit nakalimutan ko may lakad pala kami ngayon." aligagang saad ko ng maalala ko sya.


"Saan kayo pupunta?"


"Sa isang ball para sa kompanya nila." sagot ko na agad tumakbo sa kwarto ko.


***


"Ano bang isusuot ko?" tanong ko sa sarili ko ng nasa harapan na ako ng closet ko.


Nakarinig ako ng katok mula sa pinto ko.


"Sino yan?" 


"Si Misty to"


"Pasok ka bukas yan." pumasok naman kaagad sya.


"Anong ginagawa mo?" tanong nya ng makita akong naghahalungkat ng mga damit ko.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon