CHAPTER 14 (Jamie)

45 2 0
                                    

"OH MY G SI DANIEL KO!!!" sigaw ni Amy sa hallway.



"Ano ba yan Amy ang tinis ng boses mo!" inis na sigaw ni Jaime.



Nasa labas kasi sila ng room namin sa filipino class. Lahat may kanya kanyang ginagawa. Nakaupo lang ako at binasa yung libro namin sa filipino. Si Pj naman ayun napagtripang hiramin yung phone ni Christian.



Ewan ko kung ano yung ginagawa nya. Out of curiosity ay pasimle akong sumilip sa ginagawa nya. Napansin kong gallery yung pinindot nya. Nagsimula na syang iscan yun.



May nakita akong babaeng maganda na yakap ni Christian. Para bang may karayom na tumusok sa dibdib ko ng makita ko yun.



Umayos ako ng upo. Napansin kong tumingin sa akin si Pj.




"Sino to girlfriend mo?" mahina nyang tanong kay Christian. Ayaw nya sigurong marinig ko.



"Hindi ah. Best friend ko yan." sagot nya naman.



"Best friend? eh yung kamay mo nasa ibaba na ng dibdib nyan kulang na lang dakmain mo." prankang sagot ni Pj.




"Baliw! akin na nga yan." sagot ni Christian na kinuha yung cellphone nya at agad na nilagay sa bag nya.



Kunwari ay wala akong narinig kahit ang totoo nasasaktan ako sa hindi ko malaman na dahilan. Basta sobra akong naiirita. Nagpaka-Poker Face na lang ako.



****

"Guys kelangan ko ng tulong." saad ni Arjhay sa aming mga kamajor nya ng makaalis si Nikki at Jamie.



"Ano naman yun?" tanong ni Pj.




"Isusurprise ko kasi si Jamie." sagot nya.



"Anong gagawin?" tanong ni Elaine.



"Pakihawakan lang to. Kapag malapit na sya humilera kayo tapos itaas nyo para makita nya." saad nya pagkatapos ay binigyan kami ng tigiisang colored paper na may nakasulat na letter.



"Mamaya yan pagkatapos ng major natin." dagdag nya.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon