CHAPTER 52 (Mr. Engineer)

48 1 0
                                    

CHRISTIAN POV



Pumunta kami ng kliyente ko sa lugar na aayusin namin. May nakasulat na 'WELCOME TO KINGSTON PLACE' sa taas ng malaking gate. Awtomatikong bumukas ang gate ng bumusina si Jake. Bumungad sa akin ang napakalawak na harden hindi kalayuan ay ang mansyon ng pamilya Kingston. Maganda at malaki ang bahay kahit may kalumaan na ang desinyo nito.



Tumingin ako kay Jake at pinagmasdan sya pamilyar kasi ang mukha nya sa akin. Parang nagkita na kami dati hindi ko lang maalala. Iwinaksi ko sa isip ko yun at nagpokus sa paligid.




Unting touch ng modernidad at siguradong mas gaganda pa ang lugar na ito.




"Come I'll tour you around." saad ni Jake. Sumunod ako at matamang nakikinig sa mga detalyeng sinasabi nya. Mga bagay na gusto nyang baguhin at panatilihin sa bahay. Halos nasa isang oras na kaming naglilibot sa kabahayan ng matapos kami sa pagiikot. Sumunod kaming pumunta sa kanang bahagi nito kung saan nakalagay ang Oval shape na pool.




"Gusto ko sanang baguhin itong pool. Gusto ko na hugis puso pero hati sa gitna, straight lang ang pagkakahati sa kabila ay mababaw sa kabila naman ay malalim."




"Yeah sure, I think that's a good idea we had different design. You might wanna see it?" saad ko.




"Sure. Do you have it right now?"




"No, but I'll bring it tomorrow." sagot ko.





"Come on, I'll show you the garden." saad nya.




Malawak ang harden. Maraming iba't ibang klase ng bulaklak ang nandun bermuda grass ang nilalakaran namin. Isang gazebo na gawa sa salamin ang nandun sa paligid ng labas at loob nito ay ang naggagandahang rose.




"Hindi ko alam na mahilig kayo sa puting rosas." pabirong saad ko.




"Actually it was my fiance who love it. Kelan lang ng ipatanim namin yang mga bulaklak." sagot nya.




Nalala ko ang babaeng nagparamdam sa akin ng kakaibang saya at sakit. Bakit ba hanggang ngayon hindi ko pa rin sya makalimutan? Paulit ulit na tanong ng isip ko.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon