CHAPTER 59 (Last will)

64 1 0
                                    

Loraine's POV


Magiisang buwan na simula ng magbalik si Christian sa aming magina. Na gulat ako ng magbalik sya kinabukasan. At ngayon magkakasama kami, pero alam kong hindi sya masaya sa piling ko. Nung mga unang linggo ay palagi syang nagiinom. Laging lasing at walang ganang magtrabaho.




Gusto nyang habulin si Mae pero nagsinungaling ako. Ang sabi ko may cancer ako at mamamatay na. Puro kasinungalingan lang ang bumubuo sa kasal namin at sa aming pagsasama. Alam kong kahit na kailan ay hindi nya ako kayang mahalin.




Simula ng magsinungaling ako ay nagbago si Christian. Trinatrato nya na ako ng maayos, madalas kaming namamasyal pero alam kong ginagawa nya lang yun para mapasaya ako sa sinabi kong natitirang mga araw ko. Kailang ko pang magpapayat at magmake-up na parang mahinang mahina sa araw araw na nanjan sya. Alam kong kamumuhian nya ako kapag na laman nyang nagsisinungaling ako.





Ilang araw na akong nahihilo at napapadalas ang pagtubo ng mga pasa sa iba't ibang parte ng katawan ko. Kaya heto ako ngayon nasa klinika ng dati kong kaibigan. Dati close friend ko sya pero ng malaman nyang housewife at hindi ako nakapagtapos ng pagaaral ay para bang iniwasan nya na ako na tila may sakit.




"Wag ka sanang mabibigla pero hindi maganda ang resulta ng mga test na isinagawa namin." kinabahan ako sa sinabi nya. "You have Leukemia, a cancer at the bone marrow. And it's severe, we can't do anything."




"Even an operation?" tanong ko na ngayon ay umiiyak na.




"Yeah, only miracle is what we hope for."




Pakiramdam ko gumuho ang mundo ko. "How long?" tanong ko.




"How long would you live?" tanong nya. Tango lang ang sinagot ko. "I guess only a few weeks. Masyado na kasing malala ang sakit mo na kahit yata ang gamot na ibibigay ko ay baka hindi na kakayanin ng katawan mo. Pero kailangan mong bumalik dito after one week. Kailangan mong macheck up." saad nya.




Lumabas na akong klinika. Hindi ko alam kong anong gagawin ko matapos malaman na may sakit ako. Maraming tanong na hindi ko alam kong paano solusyon.



***


"Saan ka nang galing?" tanong ni Christian na halatang nagaalala.



FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon