CHAPTER 30 (Mrs. Kingston)

49 1 0
                                    

Bakasyon na kaya pilit kong inaabala ang sarili ko sa mga gawain para lang huwag kong maisip si Christian.


Nagsimula na rin akong magtrabaho sa amo ni mama bilang isang kasambahay din. Gigising ng four o clock matutulog ng twele ng gabi. Yun ang daily routine ko.


"Anak paabot naman nung paminta." utos ni mama sa akin. Malapit ng magtanghalian kaya naman nagluto na sya at ako naman nagumpisa ng magayos ng lamesa.


Katatapos ko lang maglinis ng kabahayan. Maya maya naman ay ang bakuran.


"Good Morning po!" bati ko sa amo ni mamang babae. Ngumiti lang sya at dumulog na sa hapag ako naman ay lumabas na ng bahay at nagumpisa ng magdilig ng mga halaman.



"Say something I'm giving up on you-"


"You have a nice voice." saad ng taong nasa likod ko dahilan para mapatalon ako mapaikot bigla.


"Ay kabayo!" sigaw ko at hindi sinasadyang naitutok ko sa kanya yung hose kaya naman nabasa sya agad kong ibinaba yung hawak ko at lumapit.


"Naku sorry po. Hindi ko po sinasadya." paghingi ko ng paumanhin sa magandang ginang na nasa harapan ko. Nasa mid Thirties pa lang siguro sya, mukhang mayaman dahil na rin sa ganda ng postura nya at sa mala porselanang kutis nya kaya naman hindi ko alam ang gagawin ko.


Natataranta ako, kung pupunasan ko ba o ano.


"It's okay iha. Kasalanan ko rin naman." saad nya na nakangiti sa akin habang hawak yung kamay ko at pinipigilan sa pagpunas sa damit nyang nabasa.



"Sorry po talaga." saad ko ulit.


"Kanina ka pa sorry ng sorry."


"Ano nga po pa lang kailangan nyo?" tanong ko.


"Hinahanap ko si Mary Moure." sagot nya.


"Ah bakit po sino po ba kayo?" tanong ko.


"Ako si Mrs. Kingston yung possible client nya. I want to talk to her." sagot nya.


"Wait lang po ah tatawigin ko." saad ko.


***

Nagwawalis na ako sa garden ng makita kong palabas na ng bahay si Mrs. Kingston. Nagulat pa ako ng lumapit sya.


"Iha gusto sana kitang kunin na kasambahay." umpisa nya. Napansin kong lumabas si mama at ma'am Mary.


"Naku may trabaho na ho ako rito. At tsaka nakakahiya naman po kay ma'am Mary kung basta na lang ako aalis." sagot ko.


FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon