Chapter 11 (Jealous)

60 2 0
                                    

Group na ni Leo na yung nasa unahan na nagrereport. Umupo sa lamesa si Christian kung saan nakapwesto yung desktop.



"Galaw galaw naman." sigaw nya kay Leo. Sumenyas naman ito na wait lang mag antay ka.



Hawak ni Paolo yung plastic isinaklob nya kay Christian pagkatpos ay pinagkukutungan nila gaya ng ginawa sa kanya kanina.



Tawa lang ako ng tawa, pero syempre mahina lang.



Nanonood sa cellphone ni kuya Kris si Jane. Lumapit ako para makinood, kaya pala sila tawa ng tawa dahil dun sa video ni Gieb na. Inislow motion pa ni Jane yung video kaya talagang nakakatawa yung dahan dahang pagbagsak nya mula sa pagtalon kay Christian.



Nagluksong baka kasi sila gaya ng madalas nilang gawin sa P.E.



Lumipat ako dun sa pwesto ni Christian kanina. Umalis na sya sila na kasi yun magrereport. Tumingin sa akin si paolo at tsaka ngumiti.



"Dont mock me!" sita ko sa kanya. Pero sadyang may kakulitan talaga syang taglay gaya ni Christian.



Nakaupo na ako at nagsimula na ring mangasar si Paolo.



"Talagang lumipat pa sya." parinig nya sa akin. Tumingin lang ako sa kanya at nagsmirk.



"Crush mo nu?" tanong ni Paolo sa akin.



Tumingin ako kay Christian sya na yung nagpapaliwanag. Tumingin din sya sa gawi ko pagkatapos ay ngumiti sa akin. Lumingon ako kay Paolo binigyan nya lang ako ng sabi-ko-na-nga-ba-look.


Nang matapos sila Christian ay bumalik sya sa pwesto nya kung saan nakaupo ako ngayon.



"Tabi jan uupo na ko." sita nya sa akin.


"Ayoko nga jan ka na lang turo ko dun sa upuan sa gilid ko."



"Ayoko jan gusto ko." determinado nyang sagot. Umupo din sya sa lamesa umurong na lang ako sakto namang bukas ni ma'am ng ilaw. Naghiyawan yung mga nasa likod na kasama namin.



Pasimuno si Paolo sa pangiinis.



"Nice nakacouple shirt pa." saad ni Paolo. Tumingin ako sa suot ko, nakared na v-neck akong blouse at tsaka p.e. pants. Si Christian ay ganun din yung suot. Tumingin sya sa akin at ngumiti.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon