CHAPTER 9 (Baby Chris)

62 3 0
                                    

"Mae!" pangatlong beses ng tawag ni Christian sa pangalan ko pero hindi ko pa rin sya pinapansin. Nang unang tinawag nya kasi ako at nilingon ko sya, ngumiti lang ang kumag at saka kumaway. Inaasar na naman tuloy kami ng mga kaklase namin.




"Bhe!"




"Mae!"



Hindi na ako nakatiis sa kakatawag nya kaya lumingon na ako at sinagot sya.



"Bat ka ba tawag ng tawag? Didede ka ba?" naiinis kong sagot sa kanya.



He smile at me mockingly "Bakit pwede ba?" balik tanong nya. Ang lawak ng ngiti ng kumag makikita mo sa mata nya ang kapilyohan.



Binato ko sya ng notebook ko kaso hindi sya tinamaan bagkos lumanding ito sa mukha ng katabi nya.



"Aray!" sigaw nung katabi nya. Tumingin ako kay Leo at nagpeace sign kasabay ng sorry ko.



Lumapit ako sa pwesto nila para kunin yung notebook ko. Tumalikod na ako pagkatapos makuha yung notebook pero imbes na maglakad pabalik sa upuan ko ay humarap ako kay Christian. Ngumiti ako sa kanya.



"Oh bakit nagagwapohan ka sa akin nu?" tanong nya sa akin na walang kayabang yabang.



Lalo ko pang nilawakan yung ngiti ko. Hinawakan kong maigi yung notebook ko. Inihampas ko sa mukha nya yung notebook halatang hindi sya handa sa ginawa ko.



"Masakit yun ah!" sigaw nya sa akin. Lumingon ako at binilatan sya.



Nang makarating ako sa pwesto ko ay umupo agad ako sa upuan ko. Humarap si Pj sa akin at ngumiti.



"Bakit ganyan mukha mo?" tanong ko sa kanya.



"May gusto ka na sa kanya girl."



"And dont you deny it kasi basa ko na ugali mo." dugtong naman ni Nica na katabi ko ngayon.



"Buti pa kayo alam nyo na gusto ko sya kasi ako hindi." sagot ko.


Itinuon ko na yung pansin ko sa binabasa ko. Nirerecall ko kasi yung mga sinabi ni Christian tungkol sa topic namin sa math. They both look at each other and shrugged their shoulder.

FALL IN LOVE AGAIN    (completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon