***
I always see myself as a wallflower at every party I attended.
And I don't have the charisma that makes everyone's head turn around on me, or somehow will get their attention. Wondering who I am.
Siguro kung hindi ko lang kasama ang mga kaibigan ko—na halos silang lahat ay may itsura, at kung titingnan mo talaga ay parang mga artista—ay para lang akong isang ordinaryong tao kapag katabi ko sila. At kung titingnan sa personal. Minsan nga ay iniisip ko rin na para bang ginagamit ko lang sila sa tuwing nagkikita kami at magkakasama. Na kahit papaano ay papansinin din ako ng mga tao, pag-uusapan, at mapapalingon sa tuwing kami ay dumadaan. O magtatawanan. At sa tuwing nakadikit ako sa kanila ay mararamdaman ko rin na kagaya ko rin sila...mga normal na tao.
Alam ko naman na hindi ipinaparamdam sa akin ng mga kaibigan ko na outcast ako sa kanila, o naiiba. Sa katunayan nga ay sobra nila akong pinapahalagahan, at palaging sinisiguro na hindi ako naiiwan sa tuwing magkasama kaming lahat.
Na kabilang ako sa kanila.
At talagang totoong kaibigan ang turing nilang lahat sa akin.
Pero minsan din ay hindi ko lang talaga maiwasang mainggit at manliit sa sarili ko sa tuwing pinagmamasdan ko sila na maging sila. Na hindi na nila kailangang maging trying hard, o magkunwari. Habang ako naman ay kahit anong pilit ko pang pagpupursige na mapantayan ang antas nila, sa huli ay kulelat pa rin ako. Na kailanman ay hinding-hindi ko mapapantayan kung ano ang mayro'n sila.
At alam kong hindi dapat ako ganoon mag-isip dahil sa una pa lang ay wala namang kompetensya sa pagkakaibigan namin. Sadyang ako lang talaga 'yong gumagawa ng problema, na sa huli ay ako lang din ang maaapektuhan at magdudusa.
Nakakagago ngang isipin na pinag-iisipan ko sila nang masama, kahit na ang ganda at mabuti naman ang pakikitungo nila sa akin.
Lalo na noong nakita ko rin kung gaano sila kasaya nang magkaroon na sila ng jowa. Masaya akong makita sila na mahanap nila 'yong pagmamahal na sa kanila ay karapat-dapat. Na makikita mo talaga sa kanilang mga mata na iyon ang kaisa-isang bagay na matagal na nilang hiniling, at ipinalangin.
Ang gaan lang sa loob na makita silang ganoon.
Pero kasabay naman nito ay mas nangingibabaw pa rin sa akin ang pagiging insecure, makaramdam ng inggit, at kukuwestiyunin ang sarili ko kung makakaranas din ba ako nang ganoong klaseng pagmamahal balang araw.
Na hindi ko kailangang ipilit ang lahat, bagkus ay hayaan ko lang itong dumating sa buhay ko.
Pagmamahal na kay-sarap maramdaman.
"Hay nako, Gavin. Nagmumukmok ka na naman d'yan..."
Bahagya akong nagulat nang bigla akong tapikin ng kaibigan kong si Rachel habang nakaupo ako sa couch, at pinagmamasdan ang iba pa naming kaibigan na sumasayaw sa gitna ng dance floor. Nagtatawanan, nagkakasiyahan, at kasama nila ang kanilang mga kasintahan.
BINABASA MO ANG
Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]
RomanceWhile gradually seeing his friends are now happy to find the love that they deserve, Gavin can't help but feel insecure and jealous. Wondering when he will experience love like theirs, especially since he doesn't have an idea of what true love is. U...