Fifth Sunset

242 8 4
                                    

***

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

***

Simula noong araw na nagkita kami ni Zane at nakilala niya ang mga kaibigan ko ay hindi na niya ako tinantanan. Palagi na niya akong kinukulit lalo na sa text at chat. Minsan din ay tinatawagan niya ako randomly, kaya ang ending ay yamot na yamot ako dahil sa inis. Tinanong ko nga siya kung saan niya nakuha ang number ko, at noong una ay ayaw pa niyang umamin sa akin. Kaya binantaan ko't iba-block ko siya. At napaamin ko naman siya sa huli at sinabi niyang nakuha niya ang number ko galing kay Mylene. Kaya mas lalong nadagdagan ang inis ko sa kanya't hindi rin maiwasang mainis sa kaibigan ko dahil sa ginawa niyang pagtraydor sa akin, na para bang binugaw niya ako o ibinenta sa lalaking 'yon.

"Mapilit siya, e. Ano pa nga ba ang magagawa ko? Saka gusto niya talagang kunin ang number mo, kaya binigay ko na lang para tumigil na sa pangungulit sa 'kin," paliwanag niya sa akin noong kinompronta ko siya tungkol sa ginawa niya.

Huminga naman ako nang malalim bago siya sinagot.

"Sana naman ay ipinaalam mo muna sa akin ang bagay na 'yon 'no?"

"Bakit? Papayag ka rin ba sa gagawin ko?"

Hindi ako nakasagot sa tanong niyang 'yon kaya sa huli ay ako na lang din 'yon sumuko. Dahil bukod sa wala rin namang patutungahan 'yong pagtatalo naming dalawa, ay nangyari na rin ang nangyari. At wala na akong magagawa tungkol doon.

Naisip ko na rin na i-block ang number ni Zane, pero na-realize ko rin na walang saysay kung gagawin ko 'yon. Kay Mylene na rin nanggaling na sobrang kulit niya para lang makuha ang number ko sa kanya. Kaya hindi na nakapagtataka kung ano pa ang gagawin niya sa susunod kapag tinuloy ko ngang i-block ang number niya.

Magtatatlong linggo na rin ang nakalipas magmula nang makuha ni Zane ang number ko, at sa mga linggo na iyon ay wala siyang ibang ginawa kundi guluhin ang tahimik kong buhay.

"Ano nga pala 'yong paborito mong kinakain?" untag niya sa akin noong isang beses na tinawagan niya ako.

Umirap naman ako kahit hindi niya iyon nakikita, at huminga nang malalim.

"Lakas mong maka-slam book ah," pambabara ko naman sa kanya.

Kaya sa pagkakataong 'yon ay rinig ko rin ang frustration niya't inis sa akin base sa kung paano siya bumuntonghininga.

"Nagtatanong lang naman e! Sungit nito," inis naman niyang sagot. Kaya hindi ko rin maiwasang ngumisi pagkatapos niyang sabihin 'yon.

Mayamaya pa ay huminga ako nang malalim bago muling nagsalita.

"Ang dami mo kasing tanong!"

"Malamang! E sa gusto kitang kilalanin. May masama ba ro'n?"

Sa pagkakataong iyon ay natahimik ako at napagtanto kahit papaano na may punto rin siya. Pero nang mas mangibabaw ang inis ko sa kanya ay umiling ako nang marahan at muling huminga nang malalim.

Sunset Reminds Me of You [BOYXBOY]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon